CHAPTER 130

831 30 6
                                    

Maxine's POV

Nakarating na ako ngayon sa school. Kakapasok ko lang ng gate. Ako lang pumunta mag-isa dahil si kuya ay may pupuntahan. Hindi ko na nakuha pang tawagan si Tayler dahil wala din naman akong sasabihin. Kahit naman siguro na tangunin ko s'ya ang isasagot n'ya lang ay ayos lang. Kabisado ko na ng kaunti yung ugali n'on. Patapos palang siguro ang practice nila ngayon at pagkatapos ay sunod na kami ang gagamit ng gymnasium.

May tinignan pa 'ko sa bag ko dahil baka may nakalimutan ako. Bigla na lang may bumangga sa 'kin."I'm sorry."si Tayler. Sinara ko na muna ang zipper ng bag ko."Maxine magusap muna tayo please?"sabi n'ya. Halata pa rin sa mukha n'ya ang pagkaputla.

"Para s'an pa Tayler? Kung dati ay hindi kita matiis pero ngayon natitiis na kita."may diin na sabi ko."Wag ka ng magtangkang magsalita pa. Nagsasayang ka lang ng laway Tayler. Umalis sa dinadaanan ko."sabi ko pa sa kanya.

"Maxine ayusin natin 'to oh. Ayokong matapos ang lahat ng sa 'tin at ayokong tapusin ang relasyon natin ng dahil lang doon sa nakita mo."-Tayler.

"Lang Tayler?"medyo natawa ako."Big deal 'yon Tayler. Hindi basta-basta yung ginawa mo. Alam mo may tiwala ako sayo eh. Nagtiwala at minahal kita ng sobra pero hindi ko naman i aasahan ng sobra din yung kapalit n'on."

"Maxine please ayusin natin 'to."hinawakan n'ya ang kamay ko.

"Para saan pa Tayler? Sinira mo na ang tiwala ko sayo."tinanggal ko ang kamay n'ya sa kamay ko.

"May dalawang tanong na lang ako at pagkatapos nitong paguusapan natin hindi na kita kukulitin pa."-Tayler.

"Ano 'yon?"-ako.

"Mahal at mapapatawad mo pa ba ako?."-Tayler.

Nakaramdam ako ng pagkabigla."Oo, mahal pa rin kita pero hindi na katulad ng dati at Oo din mapapatawad pa kita pero hindi ako mangangako na gagawin ko 'yon."-ako.

Napansin kong nagiba bigla ang ekspresyon ng mukha n'ya. Yung una kaming magkita, yun. Bigla na lang s'yang umalis sa harap ko nang hindi nagsasalita at bigla na lang tumaas ang mga balahibo ko nang dumaan s'ya sa may gilid ko. Bumalik na lang ulit ako sa paglalakad papunta sa gymnasium. Si Tayler para s'yang Tayler na nagkita kami nung unang araw ko dito sa Hemelton School. Nung niligtas n'ya ako sa mga holdapers n'on.

Nakarating na ako sa gymnasium. Kita kong nagkumpol-kumpulan sila. Lumapit ako kay Andrea."Buti naka-abot ka."sabi sa 'kin ni Yna.

"Anong meron?"agad akong nagtanong.

"May ia-announce si Ms. Elyssa."si Summer ang sumagot.

Pumunta na si Ms. Elyssa sa harap namin."Ang nababalitaan n'yong mga school na makakalaban natin ay hindi totoo. Tsismis lang 'yon at hindi namin alam kung sino ang nagpakalat. Stone Highschool, Saint Theresa Highschool, at Beverly Highschool pa rin ang makakalaban natin. At sigurado na sa October gaganapin ang Interhigh. Kay next month ibibigay na yung gagamitin n'yong uniform. Wala ng bayad 'yon dahil sagot na ng school natin 'yon. Ang gagawin n'yo na lang ay galingan sa pagpa-practice at ang mahalaga ay mag-enjoy."sabi sa 'min ni Ms. Elyssa."Magsimula na tayo."sabi n'ya pa sa 'min.

Nagsipuntahan na kami sa mga pwesto namin. Nag-focus muna ako sa practice namin. Tinanggal ko muna sa isip ko yung kaninang pinagusapan namin ni Tayler. Ilang oras bago kami nag-break time."Max kain na tayo."tawag sa 'kin ni Andrea.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now