CHAPTER 29

1.6K 87 6
                                    

Maxine's POV.

Nandito na'ko ngayon sa school. Pumasok na'ko ng gate. Maaga akong nakarating dahil hindi traffic kanina. Aakyat na sana ako ng building kaso hinarangan ako ni Zerene at mga kaibigan n'ya.

"Speaking of malandi, girls nandito na pala 'tong makati na 'to." sabi ni Zerene at mukhang naghahanap na naman ng away.

"Naghahanap ka na naman ba ng away Zerene?" sabi ko at bumuntong-hininga.

"Ikaw ang gumagawa ng away hindi ako Maxine." lalo pa s'yang lumapit.

"Ano na naman ba kasing ginawa ko?"

"Bakit kayo magkasama ng boyfriend ko kahapon at magkahawak pa kayo ng kamay? What the fuck, ginayuma mo ba boyfriend ko." sabi n'ya at may pinakita s'ya sa cellphone n'ya ni Tayler at ako na magkasama sa play ground at mall.

"Ano naman sayo?" pagkasabi ko n'on ay lumakad na'ko kaso hinatak n'ya ang braso ko.

"I told you, stay away to my boyfriend! Malandi ka!" galit n'yang sabi.

Tinanggal ko ang kamay n'ya sa braso ko."Una sa lahat break na kayo ni Tayler, pangalawa wag mo'kong tinatawag na malandi at pangatlo hindi ako ang gumagawa ng away, ikaw 'yon okay?"

Sinampal n'ya ko."Akin pa rin si Tayler at hindi mo s'ya maagaw sa'kin! "nasampal n'ya na naman ako.

Kaya sinampal ko din s'ya." Mas masakit ang sampal ko."

Aambahan pa n'ya sana ako ng sampal pero may kamay na pumigil sa kanya."How many times do i have to tell you that i'm not yours."si Tayler.

"T-tayler... I still love you." sabi ni Zerene kay Tayler.

"Damn Zerene. Pwede ba tumigil kana, nakalimutan na kita at nakalimutan ko na rin kung ano yung namagitan sa'tin dati." sabi ni Tayler. Pagkasabi n'ya n'on ay hinatak n'ya ko paalis kay Zerene.

"Hindi kita titigilan Tayler at lalong-lalo kana Maxine! Humanda ka sa'king malandi ka!" rinig ko pang sigaw ni Zerene.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now