CHAPTER 152

776 42 5
                                    

Tayler's POV

Nagbibihis na ako ngayon sa kwarto ni Maxine habang siya ay naglilinis sa baba. Hindi magihing madali itong sitwasyon namin ni Maxine. Parehong nasa panganib ang mga buhay namin. Kaya kong protektahan ang sarili ko pero si Maxine? Sigurado akong hindi niya kakayanin pero sana kayanin niya wala kaming options para dito. Kailangan kong siguraduhin na magiging maayos si Maxine.

Siya lang ang inintindi ko ngayon. Walang pumapasok sa utak ko kundi siya lang. Nagaalala ako para sa kanya. Siya ang puntirya nila ngayon. Ang babaw naman ng dahilan ni Zerene para patayin si Maxine? Kailangan ko siyang kausapin tungkol sa nararamdaman niya dahil hindi na natatawag pang pagmamahal na 'yon. Nakapatay siya dahil nagpadala siya sa nararamdaman niya.

Hindi ko alam kung anong klaseng pagiisip ang meron doon sa babaeng 'yon. Naging parte din ng buhay ko si Zerene pero pag nakumpirma nga namin na siya ang pumatay kay Zerene papatayin ko siya. Wala ng pakealaman. Malaki na ang pinagbago ni Zerene kung ikukumpara mo sa dati. Hindi siya basta-basta nangaaway. Kilalang-kilala ko siya pero ako? Hindi niya pa lubusang kilala...

May bigla namang kumatok habang nagsusuot ako ng sapatos. Bumukas na ang pinto at niluwal n'on si Maxine."Aalis ka na ba?"rinig kong tanong niya habang lumalapit siya sa akin.

Tinabihan niya ako sa pagupo sa gilid ng kama niya pero tumayo na ako."Oo."sagot ko naman sa tanong niya."Anong oras na din kasi."sabi ko habang inaayos ko ang damit ko. Kinuha ko na ang bag ko."Aalis na ako. Magingat ka dito. Tawagan mo ako kung sakaling may mangyari."pagkatapos kong sabihin 'yon ay hinalikan ko siya sa noo.

Niyakap naman ako ni Maxine."Ikaw din, magingat ka. Sasabayan na kita sa paglabas."sabi naman niya.

Kinuha ko muna yung phone at susi ng kotse ko sa kama ni Maxine pagkatapos ay lumabas na kami ng kwarto niya. Agad din naman kaming nakababa. Tumigil kami sa tapat ng pinto. Nginitian niya pa ako at ginulo ko naman ang buhok niya tsaka tuluyan ko na siyang iniwan. Bago ako pumasok sa loob ng kotse ay nakita kong kinawayan pa ako ni Maxine kaya kinawayan ko din siya pabalik.

Pagkatapos n'on ay tuluyan na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Nagsuot na ako ng seat belt at nagmaneho na. Sa totoo lang ayokong pumasok ngayon dahil ayokong iwang magisa si Maxine. Nagaalala kasi ako ng sobra sa kanya baka kasi may hindi magandang mangyari pero pansin ko naman na si Zerene lang ang kumikilos ngayon at yung iba pa niyang kamiyembro ay hindi pa.

Sa tingin ko ay malalakas ang natira sa grupo nila. Nakalimutan ko na kung ilan yung pinatay namin sa kanila pero sigurado akong kaunti na lang sila ngayon. At hanggang ngayon hindi ko pa nakilala at nahahanap ang data nung iba pang mga natira. Medyo nahihirapan ako kahit din sina Justine. Masyadong pribado ang sa kanila at malakas ang kapit sa security. Pinuntahan nina Justine kagabi yung kuta ng Vitale's Brotherhood pero nang tignan nila ay wala ng tao doon.

Nakatunog na sila siguro. Alam na nila ang pinaggagagawa ng kamiyembro nila kaya sila nagbago ng taguan. Sa pakiramdam ko rin may isa silang kakampi na makapangyarihan at sana hindi ako sa nagkakamali sa pakiramdam kong ito. Iniisip ko kasing si dad ang katulong nila at sa base pa sa pakiramdam ko si daddy ang master nila. Kung magkataon man na gan'on na ang, wala na akong choice kundi ang idamay si daddy.

Hindi pa din naman ako tumitigil sa pagiimbestiga kay daddy at sa pagkamatay ni mommy. Madali lang pabagsakin ang grupo ng Vitale's Brotherhood pero si daddy hindi. Malaki ang nagagaw ng pera niya pero sa totoo lang hindi sa kanya 'yon. Sa oras na mahanap ko ang mga papeles na patunay na ako nga ang magmamana ng lahat ng naiwan ni mommy, mawawala kay daddy ang lahat.

Ganito na talaga ang takbo ng buhay ko. Wala na siguro akong magagawa kundi ang makipagsabayan. Nakarating na ako sa school. Pinark ko muna ang sasakyan ko. Tinanggal ko na ang seat belt na suot ko at kinuha ko na ang bag ko. Sinigurado ko munang nakalock ang kotse ko bago ako umalis. Matapos kong masigurado ay umalis na ako. Nahagip naman ng mata ko ang sasakyan na gamit ngayon nina Justine.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now