CHAPTER 50

1.3K 76 8
                                    

Maxine's POV.

Iminulat ko na ang mga mata ko pagkaalis ni Tayler. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi n'ya. Nagkukunwari lang akong tulog. Hindi kinaya ng utak ko ang mga nalaman ko ngayon.

"Si T-tayler yung b-batang nakalaro ko noon?" sabi ko sa sarili ko."Kaya pala pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala dahil totoo pala."sabi ko pa."Kaya kitang patawarin Tayler pero hindi kita kayang tanggapin, hindi ko kayang tumanggap ng isang katulad mo sa buhay ko."

"Ayos lang 'yon, ayos lang sa'kin na patawarin mo'ko, ayos lang din na hindi mo'ko tanggapin pero ipagpipilitan ko pa rin yung sarili ko sayo dahil mahal kita." biglang lumitaw si Tayler sa mag pintuan.

"T-tayler?" nauutal kong binanggit ang pangalan ni Tayler.

Lumapit s'ya sakin."Kahit ipagtabuyan mo'ko hindi pa rin ako susuko. Mahal kita Maxine simula't-sapul. Nangako ako sayo noon na pakakasalan kita kapag lumaki na tayo."

"Wag mo nang isama yung nakaraan dito Tayler, nasa present na tayo oh. Pangako lang naman 'yon diba? Madali lang naman bumali ng isang pangako diba?"-sabi ko.

Umupo s'ya sa tabi ko." Ibahin mo'ko Maxine. Hindi ko kayang hindi tuparin kung ano ang pinangako ko. Dahil pagsisisihan mo kapag hindi ko tinupad 'yon."

Nakaramdam ako ng kaba at takot sa sinabing 'yon ni Tayler. "A-anong ibig mong s-sabihin?" tanong ko.

"Hindi porket Gangster ako ay madali lang sa'kin na hindi tuparin ang isang pangako. Para sa'kin big deal 'yon Maxine."-Tayler."Promise is a promise Maxine. Sinabi mong mahal mo na ko diba?"nagulat ako sa sinabi n'ya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Onde histórias criam vida. Descubra agora