CHAPTER 73

1.1K 71 10
                                    

Tayler's POV.

Hindi ako nakatulog dahil balak kong ipagluto si Maxine habang tulog s'ya. Hindi ako makapaniwala na girlfriend ko na ngayon si Maxine. Pero ang kailangan ko munang gawin ngayon ay ang kausapin si Alex, ang kuya n'ya. Dahan-dahan kong tinanggal sa pagkakayakap si Maxine sa'kin. Nang magawa ko ay tumayo na'ko.

Hinalikan ko s'ya sa noo."Dream of me baby."sabi ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Kinuha ko ang phone ko ay dinayala ng number ni Alexander."[Oh bakit Tayler?] "agad s'yang nagtanong.

"[I want to talk to you personally.]"-I answered him.

"[Wait for in 8 minutes]" -Alexander.

"[Okay]" I said and i ended the call.

Habang wala pa si Alexander ay nagluto muna ako dahil paniguradong maghahanap ng pagkain si Maxine pagkagising n'ya. Habang nagluluto ako ay may kumatok na, mukhang si Alexander 'yon. Iniwan ko muna saglit ang akong niluluto para pag buksan ng pinto si Alexander.

"Come in." sabi ko kay Alexander at pumasok na s'ya sa loob. Ako naman ay bumalik sa kusina.

Sumunod s'ya sa'kin. "Where Maxine?" tanong n'ya.

"In my room." sagot ko habang nagluluto.

"Ano yung pag-uusapan natin?" sunod naman n'yang tanong.

"Tungkol sa'min ni Maxine." deretso kong sagot.

"Anong meron sa inyo?"-Alexander.

"Kami na ni Maxine." nagulat si Alexander ng sabihin ko 'yon.

"What did you say?"-Alexander.

"Kami na ni Maxine." paguulit ko habang nakatingin sa kanya.

Bigla akong sinapak sa mukha ni Alexander at lumapit s'ya ulit sa'kin tsaka hinawakan yung damit ko. "Alam mo naman siguro diba na gusto ko munang mapagtapos si Maxine?!" galit na sabi ni Alexander.

"Alam ko." kalmado kong sabi."Alexander mahal ko si Maxine hindi ako papayag na hindi s'ya makuha."sabi ko sa kanya."Wala ka nang magagawa Alexander, mahal na mahal ko yung kapatid mo simula noong mga bata pa kami."

Binitawan na n'ya ko."Pa'no ako nakakasiguro na mahal mo ang talaga ang kapatid ko? "tanong n'ya." Mahal na mahal ko yung kapatid ko Tayler at ayokong nakikitang umiiyak s'ya."sabi n'ya pa.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon