CHAPTER 151

705 36 0
                                    

Maxine's POV

Nagising ako at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Tayler. Ang makalapit lang ang mga mukha namin. Sa tingin ko ay hindi nga niya ako iniwan muka kagabi. Mas gusto ko kapag tulog siya. Ang amo ng mukha niya kasi kapag tulog tapos kapag gising naman parang nagugutom na lion. Hinawakan ko yung pisngi niya. Nakita kong nakamahaba akong polo na puti. Binihisan siguro ako ng kulugong 'to. Siya na lang ang natitira sa akin. Ay mali, siya at ang mga kaibigan ko na lang ang natitira sa akin.

Hindi ako papayag na mabawasan pa ng isa pa. Alam kong kaya nina Tayler na protektahan ang sarili nila pero yung iba kong mga kaibigan? Sina Yna, Summer, Sunny, Lisa at Andrea? Ayokong pati sila ay kantihin ng mga kaaway namin ngayon ni Tayler. Tinignan ko ang oras sa wall clock, 4:05 AM palang pala. Hindi kasi ako makatulog sa kakaisip kay kuya. Sana ay masaya siya sa kung saan man siya ngayon.

Alam ko din na magagalit sa akin si kuya pag nalaman niya ang gagawin ko pero ito ang gusto ko. Hindi na magbabago pa ang desisyon ko. Hindi din gugustuhin ni Tayler ang gagawin ko pero hindi ako papayag na hindi siya papayag na gawin ko 'to. Tinitignan ko lang ang gwapo niyang mukha. Nakakalma at narerelax ako sa tuwing ginagawa ko ang pagtingin sa mukha ni Tayler. Nakakalimutan ko ang lahat ng pagod. Bigla na lang akong napapangiti.

Nabigla ako ng halikan niya ako. Siguro ay kanina pa 'to gising at alam niyang tinititigan ko siya. Napahiwalay na siya sa pagkakahalik sa akin."Ayos ka lang ba?"bungad niya sa akin.

"Nagsisinungaling ba ako kapag sinabi kong oo?"sabi ko naman sa kanya.

Napailing na lang siya."Anong oras na?"sunod naman niyang tanong.

"Mga nasa alas-kwarto palang."sagot ko naman.

"Hindi ka ba makatulog ng maayos?"muli na naman siyang nagtanong.

Bigla ko naman siyang niyakap."Parang gan'on na nga. Tayler kung hindi ako nagkakamali pare-parehas lang tayo ng hinala na si Zerene ang gumawa kay kuya n'on 'no?"-ako.

Nanahimik sandali si Tayler. Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga."Oo pero hindi pa tayo siguradong-sigurado na siya nga ang may kagagawan. Magiimbestiga kami ng mabuti nina Justine. Hindi namin palalampasin ang ginawa niya sa kuya mo."ramdam kong seryoso siya sa sinabi niyang 'yon.

"Hindi naman ako papayag na hindi ako kasama sa gagawin niyong pagiimbestiga."ani ko.

Tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya at napatitig naman ako sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko."Maxine, masyadong delikado. Sana naman intindihin mo 'ko, intindihin mo yung sitwasyon natin. Paano na lang pagnapahamak ka? Diba sabi ko sayo, hindi sa lahat ng oras at hindi lagi na nasa tabi mo 'ko."sambit ni Tayler.

Naalala ko pa ang sinabi niyang 'yon pero may isa pa akong naalala "Naalala ko 'yon at naalala ko din na may sinabi kang kahit nasa malayo ka pa, susubukan mong puntahan ako."sabi ko sa kanya."Alam kong masyadong delikado para sa akin at sa sitwasyon natin pero Tayler hindi na ako papayag, hindi na ako papayag na guluhin pa ulit ang buhay ko."dagdag ko pa sa sinabi ko.

"Ayokong mag-away na naman tayo Maxine at ayoko din na pati ikaw ay mapahamak."-Tayler.

Hinawakan ko naman ang kamay niyang nasa pisngi ko pa rin."Naiintindihan ko ang nararamdaman mo Tayler pero kaya ko ang sarili ko. Oo, hindi ko pa nararanasan na makipaglaban at makisali sa mga away pero kaya ko Tayler, kaya mo. Sana naman ngayon, masunod naman yung gusto ko."-ako.

Bigla na lang bumangon si Tayler sa pagkakahiga. Umupo siya sa gilid ng kama. Napabangon na din ako."Papayagan na kita pero sana hindi ka magsisi sa gagawin mo."matapos niya 'yon na sabihin ay lumabas na siya ng kwarto ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now