CHAPTER 11

2.2K 116 1
                                    

Maxine's POV.

Ngayon ay nandito na kami sa parking lot ng school. Tinanggal na namin yung seat belt namin at bumaba na. 7:50 AM na sobrang late na namin ni Damon.Malapit na kami sa room.

Pangalawang beses na naman 'to...

Napatigil ako sa pagtatakbo dahil pagod na'ko. Naghabol ako ng hininga. Napahinto rin si Damon at lumapit sa'kin.

"Tired?" tanong n'ya at tango lang ang ginawa ko bilang sagot.

Nagulat ako ng hawakan n'ya yung kamay ko. Ang lambot ng kamay n'ya ay medyo maugat. Naglakad na lang kami hanggang sa makarating kami ng room.

"Magandang umaga Ginang Guerrero, pasenya na po kung ngayon lang kami." bati ni Damon kay Mrs. Guerrero. Mas magandang pakinggang ang boses n'ya kapag nagtatagalog s'ya.

"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Mrs. Guerrero.

"May emergency lang po." si Damon ang sumagot.

"Ganoon ba, oh sige pwede na kayong maupo." si Mrs. Guerrero.

Nauna si Damon pumasok. Naglakad s'ya habang hawak pa rin ang kamay ko. Pinagtitinginan na kami ng mga kaklase namin pero mukhang balewala na 'yon kay Damon.

Binitawan n'ya na ang kamay ko nang makaupo kami. Habang hawak ang kamay kanina si Damon ay nakaramdam ako init.

Nilingon ko s'ya, mukha naman s'yang okay pero may iba akong nararamdaman. Hindi tuloy ako makapag-focus sa dini-discuss ni ma'am dahil kay Damon. Feeling ko kasi na may sakit 'tong isang 'to e.

Matapos ang tatlong subjects ay nag-recess na. Nagsilabasan na rin ang mga classmate namin. Lumingon ako sa gawi nila Andrea at nakita ko na naman na nag-kumpulan sila d'on.

Nang lingunin ko naman ang pwesto ni Damon ay bigla naman s'yang nawala, gan'on din ang mga kaibigan n'ya.

"Hoy!" nagulat ako ng sumigaw si Andrea.

Hinampas ko muna s'ya. "Gaga ka aatakihin ako sayo e."

"Ikaw ah may 'di ka sinasabi sa'min." lalong lumapit si Sunny sa'kin.

"May dapat ba 'kong sabihin?" medyo nalilito ako.

"Meron." sabay-sabay nilang sabi.

"Ano naman 'yon?" tanong ko.

"Kayo na ni Damon no?" si Yna.

"May pahawak kamay pa kayo ah." si Summer.

"Nag-kiss na ba kayo?" tanong ni Andrea.

"Guys easy, Maxine is only one." singit naman ni Lisa.

"Eto na lang, ano na ba status n'yo?" tanong na naman ni Andrea.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin