CHAPTER 4

2.8K 137 1
                                    

Maxine's POV

Ngayon ay nasa byahe pa rin kami nitong kaklase ko. Naka-focus lang talaga siya sa daan at parang walang lang sa kanya ang nangyari kanina. Kapag tinitignan ko siya, walang bakas ng kahit na anong expression sa mukha niya at parang nakalimutan niya din na may sugat siya.

"Wag mo 'kong titigan."nahimasmasan ako nqng bigla siyang magsalita.

Bumalik ang tingin ko sa labas ng bintana. Gusto kong suntukin yung mukha ko dahil tinitignan ko siya at baka na-awkward-an siya dahil doon. Baka nga may iniisip na siyang kung ano sa akin eh.

Hindi ko alam pero ang tahimik niya at parang chill-chill lang siya. Kaya binalik ko na lang ang tingin ko sa kanya pero nang palihim. Parang wala siyang nararamdamang sakit.

"Gusto mo bang gamutin ko 'yan?" prisinta ko. Hindi siya kumibo at patuloy lang siya sa pagda-drive. Wala talagang pakealam ang isang 'to. May sugat na nga lahat-lahat nakukuha pa 'kong balewalain."Pagkarating natin sa bahay ko gagamu----" naputol na naman ang sinasabi ko nang magsalita siya.

"Shut the fuck up. I can help myself. This is just a fucking wound. So don't care about me." medyo galit ang tono niya nang sabihin 'yon.

"S-sorry..."sabi ko pero binalewala na naman niya.

"By the way."bigla siyang nagsalita."Saan ka nakatira?"tanong niya.

"M-may village na malapit dito. Doon.. Doon mo 'ko dalhin.."sumagot naman ako nang nauutal.

Hindi na lang ulit ako nagsalita dahil baka lalo pa siyang magalit. Ang harsh din naman pala ng isang 'to magsalita. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay.

"Diyan na lang sa tabi." sabi ko na sinunod naman niya.

Huminto na ang sasakyan at tinanggal ko na ang seat belt ko. Pagkatapos ay lumabas na ng kotse. Bago ko isinara ang pinto ay nagpasalamat muna ako.

"T-thank y-you nga p-pala d'on sa k-kanina."nauutal kong sabi.

"Just close my car's door and go inside of your house."nilingon niya ko pero hindi nagtagal ay bumalik ang tingin niya sa kabilang bintana ng kotse.

Isinara ko na ang pintuan ng kotse sa may passenger seat. Umatras na 'ko dahil pinaandar niya na ang kotse. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita.

Teka 'di ko natanong yung pangalan niya!

Sa dinami-dami ng mga nasa isip ko ay nakalimutan kong tanungin ang pangalan n'ya. Kainis naman. Naglakad na 'ko papuntang pintuan ng bahay. Pagkabukas ko ay halos mapaatras ako ng bumungad sa 'kin si kuya.

"Maxine Sharlamagne Xenia Alonzo, bakit ngayon ka lang nakauwi?" matatalim ang tingin sa 'kin ni kuya at hindi ko 'yon matagalan kaya yumuko ako.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon