CHAPTER 105

923 34 5
                                    

10th Person POV.

Nandito ako sa bahay ngayon. Nakakatamad, dapat pala ay pumasok na'ko. Nakahiga lang ako buong araw. Ang oras ay two-thirty ng hapon. Biglang nag-ring ang phone ko kaya agad ko 'yon tinanggal sa pagkaka-charge at sinagot ko na ang tawag.

"[Oh cheeze napatawag ka? May gagawin ba?]"tanong ko.

"[Boy punta ka sa kuta dali, may panibagong plano si VB.]"sabi sa kabilang linya.

"[Copy, hintayin n'yo ko aalis na'ko.]"pagkasabi ko n'on ay binaba ko na ang tawag.

Bumangon ako at nagunat-unat. Nilagay ko yung phone ko sa kama ko. Nakaligo na'ko kani-kanina lang kaya magpapalit na lang ako ng damit-pangalis dahil nakapambahay lang ako. Matapos kong makapagbihis ay kinuha ko na ang mga kailangan kong dalhin pagkatapos ay bumaba na'ko ng kwarto.

Nakita ko si mom sa may kusina. Pinuntahan ko s'ya."Mom, aalis lang ako."sabi ko sa kanya.

"Mag-iingat ka."pagkatapos n'yang sabihin 'yon ay niyakap ko s'ya.

Kumaway pa'ko sa kanya bago tuluyang lumabas ng bahay. Buti na lang at ibang sasakyan ang dinala ng kuya ko."Mang Estor may lakad tayo."sabi ko sa driver ko.

"Sige po, bubuksan ko na po yung gate."sabi n'ya tapos ay binuksan n'ya na ang gate.

Ako naman ay pumasok na sa loob ng sasakyan. Sa back seat ako umupo. Pumasok na rin sa loob ng sasakyan si Mang Estor at nilabas na ang sasakyan. Nang malabas n'ya ay lumabas naman s'ya ng sasakyan. Nakita kong sinara na n'ya ang gate.

Nang matapos n'yang maisara ay pumasok na s'ya ulit at nagsimula na s'yang magmaneho. Vitale's Brotherhood ang pinakamalakas at magaling humatak ng mga tao. Bago palang ako sa gang na 'yon, last week lang ako sumali sa kanila.

Kaya lang naman ako sumali sa kanila ay dahil kay Mr. Ty. Gusto ko s'yang paglaruan pati na rin ang nobya n'ya. Lahat ng may kinalaman sa kanila ay idadamay ko. Nalaman ko naman na madaming nagtatangka sa buhay ni Mr. Ty at ng nobya n'ya.

Ginagawa lang naman nila 'yon dahil sa mga kawalanghiya na ginawa ni Mr. Ty. Nalaman ko din na madami nga talagang ginawa si Mr. Ty sa kanila. Pero sa mga sinabi nilang dahilan, ang dahilan ni babyboy at master ang pinakanagustuhan ko.

Matapos ang thirty minutes ay nakarating na kami sa kuta. Pinagbuksan ako ng pinto ni Mang Estor kaya lumabas na'ko pagkatapos ay sinara na n'ya at sumunod na s'ya sa'kin. Kumatok na'ko sa pintuan.

May nagbukas."Walang nakasunod?"tanong ni bakla..

"Waka naman."agad naman akong sumagot.

Pumasok na'ko at nasa likuran ko si Mang Estor. Umupo ako sa sofa."Nandito na ba ang lahat?"tanong naman ni VB.

"Nandito na ang lahat VB."si Moon ang sumagot.

"Magsimula na tayo "sabi ni VB."Buwan na ngayon ng hulyo. Kailangan na kaagad natin kumilos. Nakausap ko si Master sa telepono kanina, may gagawin na s'ya kaya naman susunod na tayo. Uunahin nating ligpitin si Maxine dahil madali lang naman s'ya at kapag naligpit na natin s'ya babawian tayo ni Tayler kaya naman paghahandaan na'tin 'yon. Pagkatapos ng pageant natin  dadakipin si Maxine."sabi ni VB."Baby boy alam mo na ang gagawin mo kapag nakuha mo na si Maxine."sabi ni VB kay babyboy.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now