CHAPTER 68

1.2K 58 1
                                    

Maxine's POV.

Kumakain na ko ngayon kasama si kuya. Okay naman na kami ni Tayler. Ang akala ko talaga kanina galit s'ya sa'kin pero kasi pakiramdam ko nagalit s'ya sa'kin or nagtampo. Hindi ko pa rin maiwasan 'yon. Kahit kasi sabihin n'ya na hindi s'ya kaagad nagagalit sa mga bababaw na dahil ay ramdam ko pa rin na galit s'ya.

Unang natapos si kuya kumain sa'kin. Nagpaalam na s'ya na matutulog na daw s'ya kaya naman nag-good night na'ko sa kanya. Matapos ko namang kumain ay agad akong naghugas ng mga pinagkainan namin ni kuya. Pinunasan ko muna ang lamesa pagkatapos ay umakyat na. Umupo muna ako sa gilid ng kama ko. Napansin ko yung picture naming apat nina papa. Kinuha ko 'yon sa study table ko.

"Papa, miss na kita." sabi ko."Gusto ko sanang ibalik yung oras na magkasama tayo tapos tatanggalin ko yung pangyayaring nangyari sayo noon."sabi ko habang nakatingin sa litrato namin nina papa."Pa, gusto na kita ulit na makasama."sabi ko pa.

Bigla akong nakarinig ng ingay sa labas ng bahay. Binalik ko yung picture sa study table at tumayo na. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si kuya na lumabas din ng kwarto n'ya. Nagkatinginan pa kami ni kuya. Sabay kaming bumaba ng hagdan. Pagkababa namin ay si kuya ang nagbukas ng pintuan ng bahay. Nakita namin si Damon na mukhang lasing?!

Lumapit si Damon sa'kin at bigla n'ya kong niyakap."M-maxine akin ka lang."sabi n'ya

Kumalas ako sa pagkakayakap. "Ano bang nangyayari sayo Damon?" tanong ko at inamoy ko s'ya "Bakit amoy alak ka?" sunod kong tanong pero sa lahat ng tanon ko ay hindi s'ya sumagot. Bigla nya ulit akong niyakap. Sinubukan kong kumalas sa kanya pero ayaw n'ya kong bitawan. "Ano ba Damon bitawan mo'ko!" nagpumiglas ako.

"Bitawan mo ang kapatid ko."hinatak ni kuya si Damon.

Nagulat ako ng sapakin ni Damon si kuya sa mukha kaya naman napaupo si kuya sa simento at napahawak sa mukha n'ya." Damon ano ba! Bitawan mo'ko sabi!"nagpumilit akong kumalas pero ayaw pa rin akong bitawan ni Damon.

Biglang may dumating na lalaki at hinatak si Damon.

Tayler?!

Tinulak ni Tayler si Damon dahilan para mapaupo si Damon sa simento."Sabing bitawan mo s'ya diba?" sabi ni Tayler kay Damon.

Tumayo si Damon."Ikaw!"turo n'ya kay Tayler. "Mangaagaw kana nga pakealamero ka pa!" sinugod ni Damon si Tayler at inambahan n'ya ng suntok sa mukha si Tayler.

Natamaan si Tayler sa mukha. Napahawak na lang s'ya sa panga n'ya at sinugod naman si Damon. Nakailag si Damon nang ambahan s'ya ng suntok ni Tayler kaya naman nakahanap s'ya ng magandang timing para makasuntok n'ya si Tayler. Nasuntok ni Damon si Tayler sa tyan at mukha ulit pagkatapos ay tinadyakan n'ya pa si Tayler.

Tumakbo ako papunta kay Damon at sinubukang pigilan s'ya. "Damon tama na!" hinawakan ko s'ya sa braso pero nagulat ako ng itulak n'ya ko dahilan para mapaupo ako.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon