CHAPTER 121: SINGING CONTEST

960 36 0
                                    

Tayler's POV

Ngayong araw ang singing contest. Masaya ako dahil kakanta ako para sa maraming tao. Hindi halata sa'kin na masaya ako pero sabi sa'kin ni mama na dapat lagi tayong maging masaya para malayo sa bad vibes. Sa ngayon, kailangan kong ituon kay Maxine ang mga mata at atensyon ko dahil baka mamaya ay may mangyari na naman sa kanya.

Hindi n'ya na daw sinabi sa kuya n'ya ang nangyari kahapon dahil ayaw n'ya nang pagaalalahanin pa si Alexander. Kahapon, kaya ako ay umiyak ay dahil may nalaman akong sikreto. Simula palang, alam kong niloloko n'ya lang ako. Hindi na'ko nagulat dahil alam ko naman na gan'on ang ugali n'ya.

Kahapon....

Pauwi na ka kami ni Justine matapos naming kalabanin yung mga members ng Vitale's Brotherhood. Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ay may naisip akong puntahan. Kinuha ko ang phone ko sa may bulsa ko at dinayal ko ang number ni Justine.

"[Oh bakit dre?]"-Justine.

"[May pupuntahan muna ako. Ikaw munang bahala kay Maxine.]"-ako.

"[Copy. Ingat sa lakad dre.]"-Justine.

"[Ikaw din.]"pagkatapos kong sabihin 'yon ay binaba ko na ang tawag.

Nilagay ko na lang sa upuan ng passenger seat ang phone ko para hindi na'ko mahirapan sa pagkuha. Nagiba na'ko ng direksyon sa pagmamaneho. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na'ko sa distenasyon ko, ang mansyon. Hindi ako sa mismong harap ng mansyon tumigil. Sa malayo ko tinigil ang kotse ko para walang makahalata na dumating ako.

Sinigurado ko munang walang nakasunod sa'kin bago ako bumaba ng kotse. Nang matiyak ko naman na wala ay bumaba na'ko. Bago bumaba ay kinuha ko muna ang phone ko pagkatapos ay sinara ko na ang pinto ng aking kotse. Malaki naman ang mansyon kaya madaling pasukin. Kabisado ko na rin namn yung security kaya hindi ako mahihirapan.

Imbis na sa harap ng mansyon, ay sa likod ako ng mansyon dumaan kung saan may hardin ay may naglalakihang puno. Umakyat ako ng bakod at tumalon ako bilang pagbaba. Tinignan ko muna ang buong paligid kung may tao. Nang makasiguro akong wala na ay tahimik akong naglakad papunta sa likod ng mansyon.

Nang makapasok ako ay tinignan ko muli ang paligid at loob ng mansyon. May nakita akong dalawang guard na nakabantay dito sa pintuan sa likod ng mansyon. Nakatalikod sila sa pinto ng mansyon sa likod kaya naman hindi nila alam na nasa likuran na nila ako maliban na lang kung nararamdaman nila ang presensya ko. Naghanap ako ng ibang madadaan papasok ng mansyon dahil kung gugulpihin ko 'tong dalawang guard ay baka makatunog ang buong tao sa mansyon.

Medyo malayo ang bintana sa kwarto ni daddy mula dito sa ibaba pero kaya ko naman yun na akyatin. Nakakita ako ng binatanang malapit sa'kin kaya naman agad akong umakyat doon. Hindi naman ako nabigo sa pag akyat. Wala naman kung anong narito, maski tao. Malinis at mukhang kwarto. Naalala ko na, ito ang kwarto ko noon ng nakatira pa'ko dito dati.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now