CHAPTER 74

1.2K 63 1
                                    

Alexander's POV.

What's up? Magpapakilala lang ako. Ako nga pala ulit yung gwapong kapatid ni Maxine na si Alexander Zion Alonzo. Naglalakad ako pabalik sa bahay since magka-village naman kami ni Tayler. Hindi ako mapakaniwala na naging sila ni Tayler. Medyo napaisip ako sa sinabi ni Tayler.

Malalaman mo din ang sagot ko d'yan, balang araw.

Ayaw n'ya sigurong sabihin sa'kin yung sagot dahil mas gusto n'yang makita ko 'yon, ibang klase din yung lalaking 'yon eh. Sa bawat salitang sinasabi n'ya kanina sa'kin ay alam ko na kaagad na seryoso s'ya. Pero iba pa rin yung pakiramdam ko. Feeling ko kasi sasaktan lang ni Tayler si Maxine.

Alam kong hindi ako pwede mangialam sa relasyon nila. Malaki na si Maxine at alam na n'ya ang kung ano ang tama at mali. Hindi ko pa rin maiiwasan na magaalala syempre kapatid ko 'yan si Maxine, nakababatang kapatid. Ayoko sa lahat ay yung umiiyak s'ya kasi ang sakit pag nakita mong umiiyak yung kapatid mo. Alam kong umiiyak si Maxine tuwing may ginagawa si Tayler na hindi naman n'ya sinasadya.

Lalaki din ako, alam ko kung pa'no tumakbo ang utak ni Tayler. Iniiyak na lang 'yon ni Maxine. Alam ko kasing nagseselos s'ya. Kilalang-kilala ko 'yan si Maxine. Hindi n'ya kayang maglugar ng selos n'ya. Mabilis s'yang umiyak at lagi s'yang nagpapadala sa emosyon n'ya. Habang papalapit sa bahay ay may nakikita akong sasakyan. Nang makalapit na'ko ay nakita ko si Damon na kumakatok sa bahay.

"Hoy anong ginagawa mo d'yan." tawag-pansin ko.

"Kuya I'm sorry please forgive me, please kuya Alex. Lasing lang talaga ako n'on kaya ko 'yon nagawa. Please kuya I'm sorry!" nagmakaawa pa s'ya sa'kin.

"Gago ka ba? Hindi madaling magpatawad Damon lalo na sa ginawa mo. Tatlo mo kaming sinaktan Damon. Ako, si Tayler at yung kapatid ko. Gago ka!" sinapak ko s'ya sa mukha kaya natumba s'ya.

"Sige sapakin mo'ko o bugbugin kahit lumpohin." sabi n'ya sabay hawak sa mukha n'ya.

"Hindi ako gan'ong tao Damon." pagkasabi ko n'on ay naglakad na'ko papunta sa pintuan ng bahay.

"Nasa'n si Maxine? Gusto ko s'yang makausap." tanong n'ya.

"Wala s'ya dito nasa boyfriend n'ya." sagot ko."Wag kana mag-sorry kay Maxine dahil wala nang magagawa yung sorry mo. Umalis kana dito wag kana mag-eskandalo."seryoso kong sabi tapos ay pumasok na'ko sa loob ng bahay.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz