CHAPTER 83

1K 56 5
                                    

Maxine's POV.

Araw na ngayon ng lunes. Ang sabi ni Andrea ay ngayon ang start ng practice namin sa cheer dance at ngayon din ang simula ng practice ng basketball team namin. Mamaya pa ang practice namin pagkatapos ng uwian. Sa umaga ang basketball team at sa mga cheer dancers ay pagkatapos ng klase. Dalawang bag ang dadalhin ko ngayon. Yung pang-gym na bag at yung bag na pam-pasok ko, kailangan daw kasi na magpalit kami kapag magpapractice na para daw makagalaw kami ng maayos. Nakahiga pa rin ako kasi maaga pa naman. 

May biglang kumatok at bumukas na ang pintuan. Nagulat ako ng iluwal nito si Tayler?! Bigla akong napatayo. Pumunta s'ya sa'kin at umupo s'ya sa gilid ng kama ko.

Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko at hinawakan ko yung mukha ni Tayler kung totoo ba s'ya? MY GOD!!! SI TAYLER NGA!!!"Mukha kang baliw d'yan. "sabi n'ya.

"Totoo ka ba? Hindi naman siguro ako nananaginip 'no?" sabi ko naman.

Natawa s'ya. "Kung halikan kaya kita?"

Nabigla ako sa sinabi n'ya. "Si Tayler nga, ganyan na ganyan s'ya eh."sabi ko pa." Bakit ang aga mo?"tanong ko sa kanya.

"Gusto ko lang." sagot n'ya. "Good morning." bati n'ya sa'kin.

Umupo ako sa kama."Good morning din."hinalikan ko s'ya sa lips Pero yung smack lang hehehe."Gusto mo kumain?"tanong ko pa.

"Mamaya na lang." sagot n'ya."Patabi ako."sabi n'ya.

Hinampas ko s'ya sa braso."Baliw ka ba? Baka mamaya makita pa tayo ni kuya tapos kung ano pang isipin n'on mabugbog ka lang n'on. "sabi ko naman.

"Handa naman akong mabugbog."Sabi n'ya. Minsan talaga may pagkasiraulo 'tong lalaking 'to.

Bigla akong nakakita ng ipis sa lapag." Tayler may ipis."pagkasabi ko n'on ay tumingin s'ya sa lapag.

Nagulat s'ya at napahawak s'ya sa braso ko."Nasa'n?! "gulat n'yang sabi.

Natawa ako nang malakas."Takot ka sa ipis?" natatawang sabi ko."Yang gwapong katulad mo? May kinakatakutan? Tapos ipis pa?HAHAHAHAHAHA. "sabi ko tapos tumawa pa'ko ulit.

"Wag ka na lang maingay." seryosong sabi n'ya.

Sinubukan kong magpigil ng tawa pero hindi ko kaya."Na'ko Tayler."

"May isa pa'kong kinakatakutan." sabi n'ya.

"Ano 'yon?" tanong ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now