EPILOGUE OF SEASON 1

1.3K 41 1
                                    

Tayler's POV

Nakarating na kami ngayon dito sa rest house ko. Saktong pagtigil ko ng sasakyan ko sa harapan ng bahay ay may umalis namang itim na Van. Nagkatinginan pa kami nina Justine at Alexander tsaka kami dali-daling bumaba. Agad kong binuksan ang pintuan at patakbo akong pumasok sa bahay. Parang napako ako sa kinatatayuan ko ng bumungad sa amin ni Justine ang katawan nina Kelly at Mang Danny. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila. Nakahandusay lang sila sa sahig. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko kaya napaiyak na lang ako.

Nang makarating ako kay Mang Danny ay napaluhod ako. Sinubukan kong iupo siya. Napayakap ako sa kanya habang humahagulgol ako ng iyak."T-tayler..."narinig kong nagsalita si Mang Danny.

Napatitig ako sa kanya."M-mang Danny..."nautal ako.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya."H-hijo hayaan mo muna a-akong magsalita..."hindi na lang ako umimik ng sabihin niya 'yon."A-alagaan mo si M-maxine hijo... W-wag mo s-siyang pababayaan kahit a-anong mangyari.... H-hayaan mo... Gagabayan pa rin namin k-kayo ng iyong ina mula s-sa itaas..."bigla siyang napaubo habang puno ng dugo ang labi niya."H-hayaan mo din n-na ang diyos na a-ang magparusa sa a-aking kapatid..."matapos niyang sabihin 'yon sa akin ay hinawakan niya ang aking pisngi gamit ang kamay niyang hawak-hawak ko na nabahiran na ng dugo."H-hanggang sa m-muli..."nang sabihin naman niya 'yon sa akin ay bigla na lang bumagsak ang kamay niyang hawak ko at napapikit na ang kanyang mga mata.

"M-mang Danny..."paggising ko sa kanya habang niyuyugyog ko siya."Mang Danny.... G-gumising ka... K-kailangan ko pang malaman a-ang lahat.... Mang Danny..."lalo akong napahagulgol ng iyak.

Niyakap ko pa siya at hinawakan ko ng pagkahigpit-higpit ang kanyang kamay. May humawak sa balikat ko."Ikinalulungkot ko Tayler..."si Justine. Biglang may nag-ring na phone."[Oh bakit Cairo?]"kay Justine. Mukhang kausap niya si Cairo."[Ano?! Nakatakas na naman sila?! Nasaktan ba sina Sunny?]"alalang tanong ni Justine sa kausap niya."[A-ano? G-ginawa niya 'yon para kay Sunny? Okay, susunod na kami.]"mukhang binaba na ni Justine ang tawag."Tayler kailangan na nating sumunod kina Cairo. Si Maxine dadalhin daw sa isang beach resort dito lang sa malapit. Babalikan din natin sina Mang Danny."sabi niya sa akin habang hinahaplos ng kamay niya ang likuran ko.

Tinignan kong muli si Mang Danny. Hinawakan ko ang mukha ni Mang Danny."Pagbabayaran nila 'to Mang Danny. Hindi ako papayag na ang diyos ang magpaparusa sa hambog kong ama na hindi ko alam kung ituturing ko bang ama ko. Bibigyan ko ng hustiya ang pagkamatay mo Mang Danny, pati ang anak mo. Babalikan ko kayo Mang Danny. May tatapusin lang ako na dapat dati ko pa ginawa."matapos ko namang sabihin 'yon kay Mang Danny ay hinalikan ko siya sa noo.

Dahan-dahan ko ulit siyang hiniga. Tumayo na ako habang nasa likuran ko pa rin ang kamay ni Justine na patuloy pa rin sa paghaplos ng aking likuran. Naglakad na kami ni Justine palabas pero bago kami tuluyang lumabas ay sinilip ko muna sina Mang Danny. Ilang saglit pa ay lumabas na kami ni Justine. Nagpunas ako ng aking mata gamit lang ang kamay ko. Agad kaming bumalik ng sasakyan. Nagsuot na kami ng seat belt ni Justine. Nasa back seat pa rin si Alexander at walang imik.

Hanggang sa muli na akong nagmaneho. Para akong natutulala habang nagmamaneho. Hindi ko pa rin matanggap yung nakita ko kanina... Through this years si Mang Danny ang nakababatang kapatid ni daddy? Hindi ko man lang nalaman 'yon since nung una kaming magkita ni Mang Danny? Oo, nagka-amnesia ako pero sigurado ako na hindi ko nakilala noon si Mang Danny. Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari pero kailangan kong kayanin para kay Maxine at para na rin matapos na ang gulong 'to na sumisira sa buhay namin.

Napapaiyak na lang ako habang nagmamaneho. Ang sakit... Sobrang sakit... Ilang taon, ilang taon kong hindi alam na si Mang Danny pala ang nakababatang kapatid ng hambog kong ama! Nabuhay kami sa mundong puno ng kasinungalingan at puno ng paglilihim! What the hell! Bakit ganito ang buhay na kinagisnan ko? Bakit ganito ang naging buhay ko? Panandliang saya tapos may gulo?

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1Where stories live. Discover now