01

24.1K 342 17
                                    

"Puno na po ang applicants namin ma'am e, sorry po"sabi ng babae kung saan ako nag tatry na mag apply, napabuntong hininga akong umalis at napasandal sa may pader.


"Paano na iyan lea? Saan ka makakahanap ng trabaho nyan?"tanong ni maxine, ang nag iisa kong kaibigan. "Puno na rin kase yung tinatrabahuan ko, wala ng bakante"



"Paano iyan? Marami pa akong babayarang bills, bills ng tubig, bahay at kuryente plus yung utang ko pa sa mga kapitbahay namin at katrabaho ko noon"sabi ko habang nakahawak sa sintido ko.


"What if maghanap ka na lang ng sugar daddy para mas madali na ang buhay mo"biro ni maxine kaya natulak ko sya ng pabiro.



"Ikaw na lang beh"sabi ko sabay lampas ko sa kanya, nag iikot ikot kami para maghanap ng may bakanteng applicants ng tumawag naman ang nanay ko.


"Ma? Bakit po?"tanong ko habang patuloy pa rin kami sa paglalakad ni maxine sa daan para maghanap ng bakanteng trabaho.


"Nasaan ka na? Nako, nag aalala na ako sayong bata ka"sabi ni mama, "Nag hahanap naman na ako ng trabaho anak kaya hindi mo na kailangang mag hanap pa"




"Hindi pwede ma na hindi ako maghahanap, kung si kuya kayang humilata ng sampung buwan sa bahay, ako hindi"sabi ko.



"Anak naman, minsan mag pahinga ka naman, kawawa ka na kase araw araw ka ng nasugod sa initan para maghanap lang ng trabaho"sabi ni mama at napabuntong hininga ako.


"Ganoon naman talaga ma, nag susubok ako na malay mo ay makakuha ako ng trabaho ko"


"Sige anak huh, mag ingat ka"sabi ni mama at napangiti ako.


"Opo naman ma, sige huh bye na po. Mwa!"sabi ko bago ko ibaba ang telepono.


Napabuntong hininga ako at tatawid ako nang biglang may  sasakyan na babangga sa akin, napayuko ako at napapikit habang iniisip na sana ay hindi pa ito ang katapusan ng buhay ko.


Napatingala ako at isang lalaki iyon na nakashades, naka grey long sleeve sya at nakapantalon, nakasalubong pa ang kilay nya at parang hindi mag sosorry sa ginawa.

"Tumayo ka na dyan, dadaan ako"sabi nya nang walang reaksyon at napabuntong hininga ako.


"Walang sorry?"tanong ko, "Muntikan mo na kaya akong mabangga tapos walang sorry?"



"Bakit ako mag sosorry e ikaw ang tatanga-tanga sa daan?"sabi nyang walang reaksyon at umalis na agad. Napaawang ang labi ko at hinigit ako ni maxine.


"Tarantado ka!"sigaw ko at pinipigilan ako ni maxine kaya napatingin ako sa kanya nang nakakunot ang noo, "Bakit ba?"

"Bakit mo inaaway? Hindi mo ba kilala iyon?"tanong nya at napakunot ang noo ko.

"Bakit? sino ba iyon?"tanong ko at napabuntong hininga sya.

"Sya si George Bullet Buenaflor, isa sa mga mayaman at hinahangaan ng lahat"sabi nya sabay kuha ng phone nya at pakita sa akin ng picture no'n.

Moreno sya na may unting bigote, kulay parang ash grey ang buhok nya, ano iyan afam? Matangos ang ilong, mapungay ang mga mata pero yung height nya lang ang naiba, parang 5'9 lang sya ganoon.

"Si bullet ang maraming pag mamay ari na halos kalahati ng maynila ay sa kanya, actually apat sila ng mga kaibigan nya ang sikat"sabi nya at kumunot ang noo ko.

"Apat sila? E isa lang naman sya ah"

"Baka busy iyong iba"sabi nya at napakamot ako.

"Nako, huwag na natin intindihin iyan, pogi nga masama naman ang ugali" sabi ko sabay higit kay maxine para maghanap na kami ng trabaho.

The Beauty And The BoysTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang