70

1.4K 31 0
                                    

Habang nagvo- volleyball kami ay napalingon na lang kami nang marinig namin ang apat.

"Pwede po ba kaming sumali tita?"tanong ni sir severino,

"Aba oo naman, sige kayo na muna maglaro at papahinga muna ako sa cottage huh"sabi ni mama sabay takbo papunta sa cottage,

"Tara na guys!"aya ni sir severino, ang ka-team ko ay si sir ashton at kuya primo, ang magkateam naman sa kabila ay si sir grant at sir severino,

"Uy bakit ayaw sumali ni bullet?" tanong ni kuya,

"Wala po ako sa mood kuya"sagot ni sir bullet,

"Hay nako ho, love quarrel na naman ba 'to?"tawang sabi ni kuya kaya napatingin ang tatlo kay kuya na parang nagseselos sa sinabi ni kuya,



"Joke lang, mga tinginan nyo huh"tawang sabi ni kuya at napabuntong hininga ang tatlo.


Nag start na kaming mag volleyball, hindi ako masyadong makafocus dahil inaalala ko si sir bullet, nakokonsensya ako sa ginawa kong panglaban sa kanya kanina sa elevator, nasa gilid lang sya at pinapanood nya kami nang walang karea-reaksyon.

Halata talagang masama ang loob nya sa akin kaya hindi sya sumali sa laro, naglalaro nga ang katawan ko pero ang isip ko ay na kay sir bullet, nakokonsensya kase talaga ako sa ginawa ko sa kanyang pakikipagtalo.




Habang nakatingin sa kanya ay natamaan ako ng bola sa mukha kaya napahawak ako sa ulo ko dahil nakaramdam ako ng hilo.

Mapapaupo ako dahil nanghihina ako nang bigla akong sinambot ni sir bullet, pinaligiran ako ng apat at nakita ko talaga sa mukha nilang nag aalala sila.




"Oy anak!"rinig kong sigaw ni mama habang papasugod dito, napatingin ako sa apat na nakapaligid sa akin habang sambot ako ni sir bullet,



"Sino nakatama ng bola kay lea?"tanong ni mama at iyon ang dahilan para tumayo na ako kahit nahihilo pa para hindi na mag aalala si mama.




"Ako po tita"sabi ni sir severino, "sorry lea"




"Ay hindi mo na po kailangan mag sorry sir severino, hindi po kase ako naka focus sa bola kaya natamaan po ako"sabi ko, "turn ko na po kase para pumalo ng bola kaso hindi ko namalayang napalo na pala ni sir severino kaya natamaan ako"






"Ayos ka lang?"tanong ni sir grant sabay hawak sa ulo ko at himas doon, "ang tigas pa naman ng bola, gusto mo ihatid na muna kita sa may hotel para makapag pahinga na muna?"





"Ay huwag na po sir grant, ayos lang po ako"sabi ko sabay tingin kay mama at kita sa mga mata nya ang pag aalala kaya hinawakan ko sya sa pisngi nya, "ma ayos lang po ako huh, tandaan nyo po na malakas po ang anak nyo po, bola lang po iyan at hindi po iyan ang dahilan para humina ang anak mo po"





"Nag aalala lang talaga ako anak kase ba naman bigla ka na lang matutumba, buti na lang at mabilis na tumakbo si bullet para sambutin ka"sabi ni mama at napalingon ako kay sir bullet na nasa likod nya ang dalawa nyang kamay,





"Salamat po sir bullet"sabi ko at tumango sya sabay alis na,





"Tingnan mo iyon bunso, kahit may tampuhan kayo ay nagawa ka pa nyang tulungan"sabi ni kuya,





"Ganoon po talaga iyon tita, kahit naman po may tampuhan sila ni lea ay hindi po nya hahayaan si lea na masaktan"sabi ni sir ashton at napangiti ako.






Nandito kami ngayon ni sir ashton sa may buhanginan nakaupo, kaming dalawa lang dahil lahat sila ay nasa cottage.





"Salamat po sir ashton huh dahil nandito po kayo para samahan po kaming mag saya nina mama at kuya" sabi kong nakangiti at napangiti sya sabay buntong hininga.






The Beauty And The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon