34

3.8K 82 7
                                    

"Oh pak, ang ganda ng kuha ko oh" pagpapakita ko kay maxine ng iba ko pang mga kuha sa hongkong nang makauwi na kami, napasweldo ako ng malaki dahil sa tuwang tuwa ang boss ko sa ganda ng mga kuha ko at binigyan pa nga ako ng tip ng mga kumare nya.

"Ay ang ganda ni anteh, nakapag out of the country"sabi ni maxine, "Kamusta naman kayo ni grant? Yung date nyo ni grant?"

"Ayun ang saya sa totoo lang, sya lahat gumastos at nahihiya nga ako dahil wala akong ambag sa date namin" sabi ko at napangiwi sya.

"Teh? Sya naman talaga ang dapat gumastos dahil sya ang nag aya ng date at isa pa, nanliligaw sya sayo kaya dapat syang magpalakas sayo"sabi ni maxine, "Alam mo teh? Sagutin mo na kaya iyan si grant, mayaman, maiaahon ka nyan sa kahirapan"

"Nako teh, hindi naman pera ang hinahanap ko sa lalaki, ang hinahanap ko sa isang lalaki ay yung talagang pangmatagalan na, hindi ako lolokohin, hindi ako iiwan at isa pa mamahalin ako ng lubos, anong gagawin ko sa lalaking mayaman kung manloloko naman. Nabibili ko nga mga gusto ko using his money pero kulang naman ako sa pagmamahal, okay na yung kulang sa pera pero sobra naman sa pagmamahal"sabi ko at napangiti sya,

"Ayan ang gusto ko sayo e, napakabait at hindi gold digger, napahiya yung pagiging gold digger side ko"sabi ni maxine at natawa ako.

"Mamaya na natin pag usapan ang tungkol sa mga manliligaw ko, dito na muna tayo sa picture ko mag focus" sabi ko.

Kinabukasan ay napahinga ako ng malalim, napapikit at napapangiti pa rin kada naaalala ang saya na naramdaman ko sa hongkong.

Pababa na ako nang matigil ako, nakita ko si sir bullet sa may sala namin at napangiti pang tumingin sa akin, "Oh sir bullet, ano pong ginagawa mo po dito?"tanong ko sabay baba at hikab pa.

"Ano ka ba teh, syempre mag date kayo"sabi ni maxine sabay tili,

"Wala ka daw ngayon trabaho kay ashton, hiniram ko yung oras nya para makasama naman kita"sabi ni sir bullet at napahinga ako.

"Puro muta pa po talaga ako sir bullet, ang aga mo po"sabi ko at natawa pa.

"Ginagaya ko lang yung schedule mo nung pumupunta ka sa condo namin, ganito rin kaaga at ganyan rin ako, may muta pa"sabi nya at natawa ako.

"Iyon naman po kase ay trabaho kaya kailangan talaga maaga, heto naman po kase ay date"sabi ko at binunggo bungo ako ni maxine sa sobrang kilig kaya umismid ako sa kanya. "Sige po sir huh, ligo po muna ako"

Pag tapos ko ay nag suot lang ako ng grey na pants at shirt lang na white, plain lang naman ang suot ko at wala namang kasosyal sosyal.

Pag labas ko ng kwarto ay napahinga pa ako bago bumaba at kaharapin si sir bullet, sana naman sa date na ito ay walang away at sawa na ako sa away namin ni sir bullet.

"Ready?"tanong ni sir bullet at napatango akong nakangiti, nagpaalam na muna ako kina mama, kuya at maxine bago kami umalis at bumyahe ni sir bullet.

"Saan naman po tayo pupunta sir bullet?"tanong ko, "Hindi po kaya magalit si sir ashton na inagaw mo po yung oras nya"

"Hindi naman, alam mo nga napakabait nyan ni ashton, napaka understanding"sabi ni sir bullet, "Lagi syang oo ng oo sa mga favor na hinihingi namin, mukhang bored na nga kaya hinahanapan ni severino ng liligawan na babae"

"Mabait talaga iyan si sir ashton, sobra"sabi ko habang iniimagine ang mga activities na ginawa namin ni sir ashton nung mga nakaraan na nagpakita talaga o nagparamdam talaga sa amin ng saya.

"Crush mo si ashton 'no?"tanong ni sir bullet at nabalik ako sa katinuan.

"H- hindi po"sabi ko at napalunok pa.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now