45

2.4K 56 0
                                    

"Ready ka na ba?"tanong ni sir ashton nang makalabas na ako ng gate namin at napangiti akong kinakabahan, ewan ko ba kung sasaya rin ba ako o kung anong klaseng date ang mangyayari.

Nag drive na sya, mahaba ang byahe hanggang sa tumigil sya sa isang tabi, bumaba kami at napangiti ako nang makita ang nasa harapan namin, it is an amusement park.

"Let's go and let's enjoy this day"sabi nya sabay hawak sa kamay ko at pumasok na kami, bumili kami ng ticket at nag ikot ikot.

"Let's have an aggresive rides first"sabi nya at napangiti ako nang napakalaki.

"Nako, iyan ang gusto ko sayo sir ashton e, alam mo yung gusto ko" sabi ko at napangiti sya.

Inuna namin na mag roller coaster, sumakay kami doon at nag breath in and breath out kami.

"No reaction sir ashton?"tanong ko at napabuntong hininga syang pumikit.

"I dont think i can do that challenge, pero para sayo go ako"sabi nyang nakangiti.

"Sigaw mo nga G na G akes"

"What? Akes? Ano yun? Is that another language or something?"tanong nya at natawa ako,

"Gay lingo of ako"sagot ko at kumunot ang noo nya. "Go na sir, walang madaming tanong, sabihin mo na yung word na G na G na akes, yung malakas huh"

"G na G akes!"sigaw nya at natawa ako dahil tumingin sa pwesto namin ang lahat ng tao kaya nagtago sa likod ko si sir ashton. "Nakakahiya, baka mura naman yun kaya sila nakakunot ang noo sa akin"

"Hindi po, baka akala nila masculado ka pero you know, baliko"sabi kong natatawa at napaismid sya kaya natigil ako sa pagtawa, "Sorry po sir pinag mukha kitang tanga"sabi ko at natawa sya sabay akbay sa akin.

"No, im just kidding. Im happy deep inside na comfortable ka sa akin at napagtitripan mo ako"sabi nya at napangiti ako.

"Comfortable naman po ako inyong lahat at sino namang tao ang hindi magiging comfortable sa inyo e ang bait bait nyo po lalo ka na po"sabi ko at napangiti sya,

"Thank you for trusting us and being comfortable in us"sabi nya at napangiti ako.

Umandar na ang roller coaster at tumingin ako kay sir ashton, "Walang reaksyon sir huh"sabi ko at napatango sya na parang hindi sigurado na magagawa nya.

Pabilis ito ng pabilis, gusto kong sumigaw sa takot nang maunahan ako ni sir ashton, napatingin ako sa kanya at ang cute nyang sumigaw.

"Ahhhh!"sigaw nya at itinaas ang kamay, napangiti ako habang pinagmamasdan syang grabeng saya.

Tumigil ang roller coaster at pareho kaming tawa nang tawa ni sir ashton, nakita ko pa syang matutumba sa sobrang hilo, inalalayan ko sya habang tawa nang tawa.

"Akala ko ba sir kaya mo yung challenge?"tanong ko, "Para kang sexbomb kung makasigaw"tawa kong sabi at natawa sya.

Tahimik lang sya at sya yung tipo ng tao na hindi masyadong naimik sa usapan kundi tawa lang nang tawa, mukhang hindi nya alam ang ireresponse kaya natawa na lang sya.

May nakita kaming maliit na booth dito, inaya nya ako doon, humarap kami sa camera at nag pose ng nine pose at pagtapos no'n ay kinuha na namin ang printed picture, natawa pa kami sa pose namin na pareho kaming nakaduling pose habang nakadila.

"Alam mo? Ang cute mo dito"sabi nya at natawa ako,

"Aba lagi naman sir, choss"tawa kong sabi at pumunta naman kami sa may big pendulum.

"Gusto mo dyan tayo?"tanong nya habang hawak ang kamay ko, nakita kong nag paswing swing iyon at iyon ang naging dahilan para tumaas ang balahibo ko sa kaba.

The Beauty And The BoysHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin