36

3K 69 1
                                    

Bullet POV

Nasa kwarto ako ngayon, nakaupo at pinagmamasdan ang frame na nasa side table ko kung saan iyon ang family picture ng mga buenaflor. Dahan dahan ko iyon kinuha at napatitig kay mommy,

"Sana nga totoo yung sinabi ni azalea na dahilan, mom"sabi ko at napayuko para pigilan ang luha. "Sana para sa kapakanan ko mommy ang ginawa mong pambubugbog sa akin"

Nang hihina ang tuhod ko at ang kamay ko ay nanginginig sa tuwing naalala ang panahon kung saan binubugbog lang ako araw araw at pinapahiya ni mommy at daddy sa maraming tao kada papalpak ako. Hindi ko naman kase kasalanan na simula nung maging anak nila ako ay nagkamalas malas na ang buhay nila.

Sana naman ay tinrato nila ako ng tama nung bata ako, marami akong pangyayaring ayaw ko ng balikan at iyon ay ang pag trato sa akin ng magulang ko na parang hayop at sumama pa ang ate ko na laging paborito at hinahangaan ng magulang ko, tinitingala nila ang ate ko dahil sya daw ang swerte sa pamilya at hindi ako.

Habang naiyak ako dito ay sakto namang tumawag si mommy, sinagot ko iyon habang pinupunasan ang luha.

"Hey bullet! Kamusta yung financial ng company natin? Baka mamaya ay bumawas ka doon huh"bungad nya at napabuntong hininga ako.

"Ayos naman po mom, kumpleto po and huwag ka pong mag alala na dudukot po ako doon dahil may sarili po akong pera"sabi ko na halos pabulong na para hindi nya mahalata na naiyak ako.

"Buti naman, ayus- ayusin mo ang trabaho mo bullet sa company natin and huwag kang mag masungit doon dahil maraming nathe- threaten sa attitude mo, huwag ka ring tamadin dahil kailangan nating mapataas ang company natin"sabi nya. "Bukas bisitahin mo ang company and ibibigay ko sayo ang list ng mga paswswelduhin mo, kailangan mabait ka sa kanila bukas para walang mag resign sa atin, agahan mo ang punta sa company huh, huwag kang magpa late kundi tatanggalan kita ng position"

"May kaso pa po akong aasikasuhin bukas, pwede bang si ate na lang ang mag asikaso no'n?"

"Nag sisimula ka pa lang sa kumpanya ay nag rereklamo ka na agad, may ginagawa ang ate mo, ikaw na ang gumawa"sabi ni mommy, "Mawawalan ka ng posisyon sa kumpanya natin kung hindi mo susundin ang utos ko sayo"

"Mom, kung pagod si ate mas pagod naman ako, marami akong ginagawa sa korte, kahit pagbigyan nyo lang ang sinasabi ko na si ate na muna mag asikaso ng lahat, please"sabi ko habang nahilot sa ulo ko. "Subukan nyo lang syang utusan please,"

"Hindi iyon papayag panigurado dahil sa marami rin syang inaasikaso, maiisingit mo naman sa schedule diba ang pag papasweldo sa mga tauhan?"

"Bakit pag si ate, tumanggi hindi nyo sya pinagbabantaan na tatangalan ng position sa kumpanya pero bakit pag ako po ay tatanggalan mo na agad?" tanong ko, "Halatang favorite mo, diba sabi mo sa pamilya na walang magiging favorite? Pero bakit ngayon parang mayroon na"

"Lizzy is not my favorite, may pakinabang lang talaga sya sa pamilyang ito kaya may karapatan syang tumanggi, e ikaw? Ano bang pakinabang mo? Iyang pera, sports car at mga negosyo mo lang? That is not enough para mapalitan ang pag tingin namin sa iyo na isa kang kahihiyan sa buenaflor"sabi ni mommy, "Gawin mo na ang sinasabi ko at may party pa kami ng mga kaibigan ko, para mapahanga mo kami, clean your mess para naman maipagmalaki ka namin"

Inend nya ang call at napabuntong hininga ako sabay hilot sa ulo ko.

Azalea POV

Kinabukasan ay nandito na ulit ako sa condo, pagpasok ko ng condo nila ay kita ko silang nagkakagulo kaya kumunot ang noo ko.

"Oh mga sir, nagmamadali po kayo ah saan po kayo pupunta?"tanong ko at natigil sila at sabay sabay ngumiti.

The Beauty And The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon