77

1.1K 28 0
                                    

Paggising ko pa lang, nakita ko na ang phone ko na maraming notification na post ng apat sa instagram at twitter.

Laging sila ang nasa notification ko sa mga account ko dahil sila lang ang nasa following ko na laging active at celebrity, panay following ko kase ay ang kaanak ko lang na may social media.

Pagbukas ko ng instagram ay bumungad sa akin ang post ni sir grant na nakatayo sa kalsada ng BGC, nakasandal sya sa may pole at nakangiti sa camera habang may hawak na shake.

May caption pa iyon na, Memory brings back memory.

Iyon ang kalsada kung saan sya nag confess at kung saan kami laging naglalakad para magpahangin.

Hineart ko iyon at tiningnan ko naman ang story nya, pagbukas ko ay steak lang iyon at ang background no'n ay studio.

May hosting pala sya ngayon, sayang at hindi ko napanood, 3 hours ago.

Sunod ko namang pag scroll ay yung kay sir severino na ang bumungad sa akin, nakasuot sya ng doctor uniform and nakasmile lang sya sa camera habang hawak ang stethoscope.

Tinginan ko naman ang story nya, nasa starbucks sya no'n nakaupo at hawak ang starbucks coffee at may caption na, chilling

Pag scroll ko ulit ay kay sir bullet na ang nakita ko, nasa gym sya, naka sando at nakapants lang na black na may headphones pa na nasa batok nya.

Nagpunta ako sa comment at nag comment ng gym well.

Napangiwi pa ako dahil ang tamlay ng comment section nya dahil niisa ay wala syang nirereplayan hindi katulad ni sir severino, lahat nirereplayan at si sir grant ay nirereplayan ang mga commentors ng mga emoji, mas okay iyon kase kahit pa-paano ay may reply unlike sir bullet ang cold.

Tiningnan ko ang story nya ay view lang iyon ng gym na may caption na, chill and relax.

Sunod na tiningnan ko ay kay sir ashton, hindi talaga sya mahilig mag post ng face nya kundi puro view ng nature ang post nya na may caption na.

LEAves

"Ano bang leaves leaves iyan, mga pauso nyong apat"bulong ko sabay heart ng post nya at punta na sa story nya, nakita kong selfie nya iyon na nakashades at nakapolo.

Inexit ko na iyon sabay buntong hininga, masyadong nagpapainggit ang apat dahil lahat ng post nila ay gala kaya agad akong naligo at nag ayos para pumunta sa park.

Para magpahangin, mawala ang stress na nararamdaman ko ngayon at para naman maginhawaan ang pakiramdam ko.

Bullet POV

Habang nagle-leg extension ko ay bigla namang pumasok ulit sa isipan ko si azalea kaya nawala sa isip ko ang ginagawa ko. Nag aalala na kase ako sa kanya at namimiss ko sya at the same time, kailangan ko muna atang tiisin ang pagkamiss ko sa kanya para naman sa kanya at para makapag pahangin sya mag isa at mawala ang stress nya.


Gusto nya ng peace of mind kaya ibinigay naming apat, sana namimiss nya rin kami katulad kung paano namin sya mamiss.

"Hey bullet"nabalik ako sa katinuan nang tinawag ako ng gym buddy ko na si michael, itinigil ko ang ginagawa ko para uminom muna sa hydroflask ko.

"Hey? Kakadating mo lang?"tanong ko na medyo hingal hingal pa habang sinasara na ang tubigan ko.

"Actually no, kanina pa ako nandyan and pinagmamasdan kita na parang tulala ka lagi"sabi nya at tinaasan ko sya ng kaliwa kong kilay,

"Tulala? What do you mean by that? Kailangan ba habang nagle-leg extension ay nagsasalita o tumatawa?" tanong ko at napaatras syang tumawa.

"Bro chill, ayoko ng argument right now okay? Gusto ko lang kase tanungin kung bakit ka tulala, it is all about the trending about your blurred instagram story?"tanong nya at kumunot ang noo ko.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now