59

1.4K 42 0
                                    


"Dahan dahan lang kase sir para hindi masakit"sabi ko habang inaalalayan si sir severino sa pagsusuot nya ng t-shirt nya. "Mamaya ulit papahidan ko po ulit iyan ng cream na pampatuyo ng sugat para hindi na po mahapdi"


"Salamat huh, sorry dahil sa dumagdag pa ako sa responsibilidad mo"sabi nya at napabuntong hininga ako.


"Tigilan mo sir ang pagsasabi na pabigat ka at dumagdag ka sa responsibilidad ko, hindi ka pabigat okay? Nakakatulong ka nga dito and thankful ako kase ikaw ang isa sa bumabawas ng gawain ko po dito"sabi kong nakangiti at napakamot sya sa ulo nya,


"Nainspired kase ako sa pagiging masipag mong all around yaya sa amin, nainspired ako na lahat ng tao ay may abilidad na kayang gawin lahat ng anumang mabibigat na gawain, akala nila na hindi nila kayang gawin ang isang bagay kase hindi nila tinatry"sabi ni sir severino,



"Tama, may point ka po doon huh, infairness"sabi kong nakangiti.



Kinabukasan naman ay mamimili ako sa palengke para sa pang sahog sa lulutuin ni kuya na pananghalian namin, tulog pa ang tatlo at si sir ashton lang ang gising, naglilinis sya ngayon ng bahay.

"Alis na po ako"paalam ko kay mama, binuksan ko na ang payong at aalis nang humarang si sir ashton sa dadaanan ko.


"Sama ako"sabi nya,

"Huwag na po sir, mapapagod ka lang po dahil malayo po iyon"sabi ko,


"I insist, please?"sabi nya at napabuntong hininga ako,


"Sure ka huh? Malayo iyon at hindi po tayo sasakay ng tricycle kase wala pong nadaan na tricycle sa labasan nito kaya maglalakad po tayo"sabi ko,


"Okay lang, samahan na kita at baka kase mapahamak ka"sabi nya,

"Ayos naman ako sir, inaalala kita at baka mamaya ay hindi mo kayaning maglakad papunta sa palengke, malayo pa naman po iyon"sabi ko.

"Walang problema sa akin kung malayo ang lakarin, sasamahan pa rin kita kahit gaano kalayo man iyang lalakarin natin"sabi nya sabay kuha ng basket na dala ko at payong, "ako na magdala ng mga 'to, sumilong ka na lang dito sa payong"sabi nyang nakangiti.



"Wala na akong magagawa, makulit ka e"sabi ko at natawa sya.

Habang naglalakad ay marami ang bumabati sa akin na halos kaanak namin, nakikipag chismisan pa sa akin kung sino ang kasama ko kaya nagpapakilala sa kanila si sir ashton, halos lahat ng nakakasalubong namin na binabati ako ay minamanuhan ni sir ashton, sign of respect.

Natutuwa naman ako dito sa apat na ito dahil marunong silang magbigay galang by mano at pakikipag usap ng may galang.



"Ang saya naman dito sa probinsya nyo, marami kayong kakilala, kaanak at kaibigan"sabi nya, "lahat ba ng nasa looban nyo ay natividad?"

"Opo, lahat kami dito natividad kaya pagsumigaw ka ng natividad lahat ng tao sa looban namin ay lalabas at titingin sayo"tawa kong sabi.


"Ang saya naman na bumelong sa inyo kase ang tahimik, nagbabayanihan lagi at lagi kang babatiin kung saan ka man nila makasalubong o makita, mga sandoval kase mga pakalat kalat kung saang sulok ng bansa, pag nakita ka magshades iyan sila dahil ayaw nilang makita mo sila, akala kase nila ay magmu-mukha na silang cheap pag kinausap mo sila sa daan lang"sabi nya at natawa ako,



"Paanong magiging mukhang cheap iyon sir? It is a sign of communicating to someone you know, sign of respect kumbaga"sabi ko, "sabi nila pag nakita mo ang kaanak mo at binati mo iyon with smile, sign of respect na iyon"


The Beauty And The BoysTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang