79

1.1K 25 0
                                    

Nasa loob na ako ng condo nila, uncomfy nga ako dahil lahat sila ay nakatingin sa akin na nakangiti na akala mo naman ay nakakita ng langit kung makatingin.

"Huy mga sir! Lalim ng tingin nyo sa akin akala nyo naman nakakita kayo ng ginto para ganyan kaliwanag ang mga tinginan ninyo"sabi kong natatawa habang pinaglulutuan sila ng almusal.

"Mas maganda pa at mas mahalaga pa sa ginto"sabi ni sir ashton at nagsalubong ang kilay ko,

"Tama na iyang mga banat nyo mga sir at gutom lang po kayo"pambabara ko,

"Miss ka na namin kase kaya ganito kami makatitig, sinusulit na namin ang magandang view dahil baka mamaya ay hindi ka na bumalik"sabi ni sir bullet.

"Malamang mga sir babalik pa rin po ako dito dahil dito po ang trabaho ko" sabi ko, "by the way mga sir kakausapin ko po ang boss ko na magre- resign po ako, gusto nyo po sumama para rin makapasyal pasyal po tayo para mahulas-hulasan po kayo"

"Aba sige go kami dyan, basta kasama kang pumasyal ayos na ayos kami dyan"sabi ni sir grant at napangiti ako.

"Nako ang lalambing nyo magsalita ngayon ah, by the way mga sir heto na po ang breakfast nyo po"sabi ko habang ilalagay ang almusal nila sa mesa nang mag unahan sila para tulungan ako,

"Oy mga sir! Matatapon, mga magsipirmi kayo"sabi ko,

"I can help you naman"sabi ni sir severino at pinanlakihan ko sya ng mata dahil matatapon ang pagkain dahil sa nag uunahan sila sa pag-ako ng pagkain na hawak ko.

"Hindi! Pumirmi kayo mga sir, pag heto talaga natapon, malilintikan kayo sa akin mga sir"sabi ko sabay dahan dahang ibinaba ang pagkain at imbes na magalit sila sa akin ay napangiti pa silang nakatingin sa akin.

"Namiss namin ang pagsusungit mo, ang sarap pakinggan ulit ang pag susungit mo sa amin na ilang araw naming hindi narinig"sabi ni sir grant at napabuntong hininga ako.

"At namiss ko rin po ang pagsaway ko po sa inyo, nakakamiss lalo na ang pamimingot ko po sa inyong apat"sabi kong nakangiti, "pero sana naman po huwag nyo pong araw-arawin baka naman magkaroon ako ng heart attack"

Kumain na kaming lima ng almusal at habang nakain ay may kasamang kwentuhan na ako ang nagpaumpisa.

"Kayo mga sir huh, swiftie pala kayo, nakita ko story nyo nung nakaraan na may song ni taylor"sabi ko at natawa sila.

"Actually naging swiftie lang naman kami because of you and iyon yung lagi naming pinapatugtog kada namimiss ka namin"sabi ni sir ashton at napangiti ako.

"Hala, ayan ang gusto ko sa inyo, sinusuportahan na ang idol ko"sabi ko,

"Alam mo ba na miss ka na namin?"tanong ni sir grant at napabuntong hininga akong tumango,

"Opo, i saw your tweet po"sabi ko, "nung hindi ko pa nga po nasisilip po ang twitter nyo po iniisip ko na baka may iba na po kayong nililigawan kaya wala na po kayong masyadong paramdam. Masingit ko lang po mga sir, kung may makikita na po kayong mas better sa akin, pwede naman na po kayong mag back out, ayoko na po kaseng umasa na tatagal kayo sa akin ng panliligaw kaya kung mayroon na po kayong nahanap na mas better sa akin, sabihin nyo lang po sa akin keysa umasa ako diba? Masakit pong umasa"


"Anong pinagsasabi mong makakahanap kami ng mas better sayo?"tanong ni sir bullet sabay hawak sa kamay ko, "mas better ka na para sa aming apat kaya bakit ka pa namin papalitan"

"Sinabi ko lang po sir kase nga baka may nagugustuhan na kayong iba, nahihiya lang po kayo magsabi"sabi ko, "natatakot po kase ako na baka pag pumili na ako sa inyo ay biglang magsiback out na po kayo dahil may iba na po kayong mahal kaya sana po habang maaga pa lang po mga sir kung may mahal na kayong iba mag back out na po kayo huh"

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now