83

1K 19 0
                                    

Pagdating namin dito sa restaurant ay walang katao katao, napakunot ang noo kong tumingin kay sir bullet.

"Uh bakit po walang tao dito sir? Baka naman po sarado sir, hanap po tayo ng ibang restaurant"sabi ko at natawa sya.

"Actually hindi 'to sarado, pina-reserve ko lang talaga 'to para sa atin"sabi nya, "diba sabi ko gusto ko tayo na munang dalawa ang mag celebrate? This is what i mean, walang katao tao para pareho nating madama ang peace"

"Huh? Paano nila pinaalis ang mga tao dito sir?"tanong ko at nagkibit balikat sya,


"I don't know, nirequest ko lang naman e na gusto ko solohin na muna natin ang restuarant"sabi nya sa malamig nyang boses at pumasok na kami sa may loob, may nakita akong dalawang table lang doon na may nakalagay na malaking bouquet na nagpabilog ng mata ko.

"Ano 'to sir? Ang laki naman"sabi ko sabay lapit sa boquet at tingin kay sir bullet, "grabe naman effort mo sir"

"Diba you told me na be yourself, kung ano ang kaya kong ibigay then you're fine with it kaya ayan, ayan ang kaya kong ibigay sayo at ang solohin natin ang restaurant sa isa sa kaya kong gawin para sayo"sabi nya sa mababa at malamig nyang boses.

Kumain lang kami, nagkwentuhan, at pinicturan nya ako habang nakain,

"Ginawa mo naman po akong anak mo sir para picturan ng picturan habang nakain"tawa kong sabi.

"Hindi ba pwedeng natutuwa lang ako na kasama kita ngayon? Hindi ba pwedeng nagawa lang ako ng memories with you?"sabi nya, "siguro pag ako ang sinagot mo? Automatic, post ko 'to sa instagram ko na may anim na post"



"Ay matanong ko lang sir bullet, bakit nga ba anim o pito lang ang post mo sa instagram feeds mo po?"tanong ko, "napakacold mo po talaga sir pagdating sa pagpo-post"



"Wala naman akong bagay na ife-flex sa buhay ko, maliban na lang kung may girlfriend na ako, sure akong iyong taong iyon ang ife-flex ko sa instagram feeds ko"sabi ni sir bullet, "kaso wala pa, kaya kung ako ang sasagutin mo sa aming apat? Siguradong maraming notification na matatanggap ang mga followers ko kase ipo-post ko nang ipo- post itong mga picture mo na nasa gallery ko"




"Anong wala kang ife-flex sa buhay mo sir? Marami kaya, sadyang hindi mo lang pinapansin"sabi ko sabay buntong hininga, "yung pagiging lawyer mo at yung mga grades mo noong nagtapos ka ng law"

Pagsabi ko sa kanya no'n ay natigilan sya at napabuntong hininga sya,

"I try to post it pero nag comment ang family ko na "kahihiyan iyon" kaya binura ko na at never ko ng finlex pa"sabi nya at napayuko sya, napalunok ako at napahawak sa bibig ko nang dahan dahan.



"Sorry, hindi ko sinasadya na ipaalala sayo iyon"sabi ko at dahan dahan syang tumingin sa akin na may malungkot na mata,





"Ayos lang, wala naman na iyon at matagal na iyon"sabi nya, "i already move on"





Kumain lang kami at pagtapos ay inaya na nya ako sa kotse, nag ikot ikot kami ng pagdrive hanggang sa tumigil kami sa may park, bumaba sya para pag buksan nya ako ng pinto ng kotse at nakangiti akong bumabang nakatingin sa park.




"Bakit pa po tayo dito pumunta sir bullet? Dapat umuwi na po tayo sa condo nyo para makapag pahinga ka na po"sabi ko at napabuntong hininga sya,




"Gusto ko lang na ipakita sayo ang lugar na paborito kong puntahan nung bata ako, yung lugar kung saan ako lang mag isa ang napunta nung seven years old ako kase ayaw akong samahan ng pamilya ko"sabi ko.







The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now