19

5.4K 122 1
                                    

Nandito na kami sa may pet store, iba't ibang mga breed ng aso ang nandito at bukod pa sa aso ay marami pang mga animal dito.

Napangiti ako kay sir grant nang makita ko kung paano nya laruin ang tuta dito.

"Ang amo po ng mga aso sayo sir"sabi ko, "Samantalang ako hinahabol ng mga iyan kahit wala naman akong ginagawa, kinakagat pa nga ako pag sinusubukan ko silang buhatin"

"Baka kase ang aggresive mong bumuhat, you just need to be soft and care to them"sabi nya, "Kung gaano ako ka-soft and care maghawak ng tuta ay ganoon rin ako maghawak sa isang relasyon kaya if you need boyfriend na itetreat ka ng tama? Pwedeng ako na lang"sabi nyang nakangiti at sumalubong ang kilay ko.

"Ano pinagsasabi mo sir? Okay ka lang?"sabi kong pabiro at natawa sya.

"Biro lang,"tawa nyang sabi habang ako ay nakatigil pa rin at inaalala ang mga sinabi nya sa akin kanina.

"Ay totoo? Bumanat sayo si sir grant ng ganoon? Sa sobrang mahiyain no'n ay impossible, para kang story maker"sabi ni maxine nang maikwento ko sa kanya ang sinabi ni sir grant sa akin kanina sa pet shop,

"Totoo nga, atsaka hindi naman ako mag gagawa ng ganoon ano ako delulu?"

"Sa sobrang pogi ng mga kasama mo sa araw araw ay maaring maging delulu ka na,"sabi nya, "Bukas ishout out mo nga ako kay sir severino, nakita ko kanina ang INSTA post nya. Nasa beach sya ang hot kaya yun nanigas ako sa tabi"sabi nyang may patili pa kaya napangiwi ako.

"Literal na hot talaga, kase araw araw ba naman nyang painitin ang ulo ko katulad kanina, tinapunan ako ng mustard tapos sinabi pa na mustard girl ako"sabi ko at napaawang ang labi nya na may ngiti sa mga mata.

"Oh beh, huwag kang choosy huh kase pogi naman yung nang asar sayo, isa namang zeke severino veneracion ang nang asar sayo kaya saan ka pa"sabi ni maxine kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Wala akong pake kung ano mang katayuan nya sa mundo o kahit pogi pa sya at maraming tinapay, kaiinisan ko pa rin sya at hindi ako papayag na asarin asarin lang nya ako 'no tumigil sya"sabi ko sabay kuyom ng kamao ko, "Nakikita mo ba 'to maxine? Once na hindi pa sya tumigil sa pagiging panusot nya? Matatamaan sya nito oh"

"Uh sir seve!"pagtawag ko kay sir severino nang magising sya, nandito na ako sa condo nila nang napakaaga dahil sinabi ni sir bullet na dapat ay maaga na akong pumasok.

"Yes? Do you need me?"nakangisi nyang tanong paglabas nya ng kwarto nya, para lang 'to sa kaibigan ko kaya sumakay muna ako sa mga paandar nitong boss ko na laging panusot.

"Opo sir"sabi kong may pekeng ngiti, tumabi sya sa akin at tinitigan ako na medyo nakakailang.

"Sabi ko na nga ba na isang araw ay ka-kailanganin mo rin ako"sabi nyang nakangiti at hindi pa rin maalis ang malapitan nyang titig sa akin kaya napakurap ako at napaiwas.

"Pa-shout out naman po ng kaibigan ko sir, si maxine po. Idol na idol ka po nya talaga"sabi kong nakangiti sabay on ng camera ng phone ko at bigay sa kanya.

"Sige, para sayo"sabi nyang nakatitig pa rin sa akin kaya napalunok akong umiwas.

"Sige na po sir severino, ishout out mo na po"sabi ko at ngumiti syang humarap sa camera.

"Hi maxine, zeke severino veneracion is here and thank you for supporting me. Im with your kind hearted friend name azalea and as she said earlier that you idolizing me. Im so thankful for that, next time visit our BGSA Bar so we can talk and saying thank you personally"sabi nya sa camera sabay off no'n, napatingin sya sa akin nang nakangiti kaya nginitian ko sya pabalik sabay kuha ng phone ko.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now