71

1.3K 26 0
                                    

Pagtapos naming kumain ay inaya naman ako nitong si sir grant na mag ice cream, pumunta kami sa may ice cream shop at binuksan nya ang malaking fridge sabay tingin nya sa akin.


"Pili ka ng magnum flavor, kung wala kang mapili pwede mo namang lahatin na ng flavor"sabi ni sir grant,



"Ay sir? Ang mahal naman po nyang magnum na iyan sir, hindi ko po keri ang presyo"tawa kong sabi, "doon na lang po tayo sa mas mura, doon sa may dirty ice cream po, masarap rin po iyon"





"No, I'll pay"sabi nya,



"Huwag na po sir doon na lang po tayo sa dirty ice cream, masarap rin po iyon, libre ko po sir"




"No, I'll pay okay? I insist azalea"sabi niya at napabuntong hininga ako.





"Not all the time sir kayong apat ang laging nanlilibre sa akin, dapat ako rin naman, ano ba gusto mo sir magnum o dirty ice cream?"tanong ko at natigilan sya.





"Ayokong ilibre mo ako, manliligaw mo ako at parte ng responsibilidad ko ay ang maibigay ang mga gusto mo"sabi nya,




"Ayon naman po pala sir e, responsibilidad nyo pong ibigay ang gusto ko diba? Gusto ko po ng dirty ice cream at gusto ko pong ako naman po ang manlibre sa inyo"sabi kong nakangiti at may pilit syang ngiti kaya humarap ako sa kanyang nakakrus ang braso sa dibdib, "tapatin mo nga po ako sir grant, ayaw mo ba ng dirty ice cream kaya ka ganyan at ayaw mong ilibre kita? Malinis naman iyon ah name lang ang madumi"





"Uh kase----



"Kung ayaw mo po sir, bilhan na lang po kita nitong magnum"sabi ko sabay kuha ng magnum sa fridge at taas no'n sabay pakita sa kanya nang nakangiti. "Heto oh sir, favorite mo po ata 'to kaya gustong gusto mo po"





Pupunta na ako sa may counter nang may kumuha ng ice cream na dala dala ko, napalingon ako at kumunot ang noo.



"Ayoko ng magnum, dirty ice cream na lang"sabi ni sir grant at nagsalubong ang kilay ko,




"Sir huwag na po, kung ayaw mo po huwag mo pong ipilit ang sarili mo po, kaya naman po kitang bilhan nito"sabi ko sabay kuha sa kanya nang magnum pero hindi nya talaga ito binibigay,





"Dirty ice cream tayo please?"sabi nya, "gusto ko ng dirty ice cream, iniisip lang kita kase baka napipilitan ka lang na mag dirty ice cream para hindi lang ako makagastos kaya nag aalinlangan ako sayo na sumama para bumili ng dirty ice cream"





"Hay nako sir, hindi po ako napipilitan okay? Gusto ko lang po talaga ng dirty ice cream at gusto ko naman pong ako ang manlibre sayo, marami na kayong effort at time para ilibre ako kaya time na para ako naman po ang manlibre sa inyo"sabi ko,




"Hindi mo naman kailangang gawin iyon e dahil kusa naming ginagawang ibigay lahat ng mga bagay na tingin namin ay matutuwa ka, hindi mo naman pineplease sa amin ang mga binibili namin sayo, kusa namin iyong binibigay at hindi mo na kailangan pang suklian"sabi ni sir grant, "presensya mo lang ay sapat na, makita ka lang naming apat na masaya ay ayos na kami, para na kaming naginhawaan pag nakikita ka naming nag eenjoy, iyon ay sapat na sa amin"







Napangiti ako at hindi na malaman ang sasabihin, mauutal na ata ako sa sinabi nya, nakatulala at hindi alam na ganoon pala talaga ako kaswerte na magkaroon ng manliligaw na katulad nila.




"Salamat naman po kung ganoon sir grant pero dahil makulit po ako, gusto ko po talaga kayong ilibre, katulad nga po ng sabi nyo. I insist"sabi kong nakangiti at napabuntong hininga sya, "diba nga sabi mo na gagawin nyo lahat ng gusto ko kaya heto ang gusto ko po ay sumama ka sa akin na kumain ng dirty ice cream, ako po ang magbabayad sir grant, i insist"






The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now