64

1.2K 36 0
                                    

Habang nakikipag kwentuhan ako sa mga bisita na nandito ay hinanap ng mata ko ang apat, umikot ako sa buong bahay pero wala sila maging sa kwarto nila ay wala sila. Napabuntong hininga ako at lumabas ng bahay, nakita ko silang apat na nakikipaglaro sa mga maliliit kong pamangkin ng habulan.

Taya ata si sir bullet kaya sya ang nahabol sa tatlo at sa mga pamangkin ko, nakangiti naman akong nakasandal sa pinto at pinagmamasdan sila sa paglalaro.

"Oh taya ka na grant, huwag madaya!" Sabi ni sir bullet at si sir grant naman ang humabol sa kanila, nakangiti lang ako dito sa may pinto habang pinapanood sila.

Masaya ako na nakikita ang mga pamangkin ko na close sa apat, paano na lang kaya kung umalis na ang apat, ano na lang kaya mararamdaman ng kaanak kong close sa kanila,

Kinuha ko ang phone ko at vinideohan sila as a memories, madungis na silang apat dahil nadudulas sila sa putikan, ang mostly na matatawag kong lampa ay si sir severino dahil nakadami na sya ng dulas, kada nadudulas ang isa sa kanila ay tumatawa naman ako dito habang vinivideo sila.

"Nako anak, napansin ko lang huh" singit ni mama kaya napalingon ako sa kanya, nakatingin sya sa apat at sa mga pamangkin ko na naglalaro habang nakakrus ang braso sa dibdib. "May napupusuan ka na sa kanila, napapansin ko kase ang titig mo sa isa sa kanila, iba talaga e"

"Ma wala pa po"pagtanggi ko at natawa si mama.

"Nanay mo ako kaya kilala kita, itanggi mo man o hindi, alam kong may napupusuan ka na sa apat na iyan, pag tinititigan mo naman ang tatlo ay hindi naman ganoon kaganda ang awra ng pagtitig mo sa isa sa kanila"sabi ni mama at napalunok ako, hindi ko alam kung nakapasok na ba ang isa sa kanila sa puso ko, hindi ko pa rin talaga maintindihan kung mayroon na o wala pa.

Natatakot pa kase ako na sabihin sa pamilya ko kung sino ang napupusuan ko kase baka mamaya ay ginagaslight ko lang ang sarili ko na gusto ko ang tao na iyon tapos ang ending hindi pala, baka naman mamaya isip ko lang kase na gusto ko iyon tapos hindi naman pala sya ang pipiliin ko sa huli.

"Hindi pa po ako sigurado mama kung sya na ba talaga, hihintayin ko po ang tamang oras kung saan handa na po at buo na po ang desisyon ko"sabi ko. "Saka ko na po sasabihin po sayo kung sino ang napupusuan ko"sabi ko at inakbayan ako ni mama.

"Tama iyan anak, hintayin mo ang tamang oras, huwag ka na munang magmadali dahil willing naman ang apat mong manliligaw na maghintay sa oras na handa ka ng pumili, hayaan mo na muna ang puso mong mag desisyon ng iibigin mo"sabi ni mama na nakangiti, niyakap ko sya at hinalikan nya ako sa may noo.



"Uy severino ikaw na taya"sabi ni sir ashton habang patuloy pa rin sila sa paghahabulan.

"Ang daya mo ashton, di ko nga naramdaman na nataya mo ako" reklamo ni sir severino,

"Nataya na kita"sabi ni sir ashton, "dont be madaya, it looks like na nagpapalusot ka lang"


"Mga kuya huwag po kayong magtalo, let's play na lang po"sabi ng isa kong pamangkin at napangiti silang apat.

"We are just kidding, okay?"tanong ni sir severino,

"Pinapakita nyo pa sa bata ang pagtatalo nyo, pagkayo ginaya nyan sisikmuraan kayo ni azalea, mga pinapakita nyo sa bata"sabi ni sir grant at natawa ako.


"Aba anak naninikmura ka pala huh" tawang sabi ni mama at natawa ako,

"Ang kukulit po kase nila, pero hindi ko naman po tinutuloy, kumbaga banta lang po para hindi na sila gumawa ng anumang kasalanan. Nakakapikon na po kase minsan kaya tinatakot ko na sisikmuraan ko, hindi ko naman po ineexpect na matatakot talaga sila" sabi ko, "kalalaking tao, takot sa katulad kong maliit"


The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now