84

1K 16 0
                                    

Tw: child abuse, violence


"Realtalk lang po sir huh na ang hirap po sa inyong mayayaman hindi marunong makuntento, halimbawa na lang, iyang achievements mo po na pinapakita sa pamilya mo, hindi sila naging proud sayo dahil sa may iba pa silang hinahanap"sabi ko sabay tapik sa likod ko ni sir bullet, "hayaan mo po sir bullet, magiging proud rin po sayo ang pamilya mo,"

Kahit hindi na matupad ang lagi kong dasal, sana yung kay sir bullet na lang dahil kung tutuusin, mas maganda pa ang buhay ko keysa sa kanya. Marami nga silang pera pero wala namang pagmamahal.

"Sana nga, alam mo? Laging iyan ang pinagdadasal ko at sana sa isang araw ay matupad na"sabi nya.

Naglalakad lakad lang kami dito, kwentuhan ng kung ano ano nang biglang may tumawag sa phone nya.

"Uh hello?"tanong ni sir bullet na nakangiti at unti unting nawala iyon, "okay po mom"

Nagsalubong ang kilay kong tumingin sa kanya habang sya ay tumingin sa akin nang parang may bigong ekspressyon.

"Mommy mo?"tanong ko at dahan dahan syang tumango,

"Pinapatawag nya ako sa mansion, may sasabihin daw si daddy"sabi nya,

"Sige sige, baka naman goodnews iyan"sabi ko, "sasama mo pa ba ako?"

"If you want, sure"sabi nya,

"Sige sama ako para mameet ko ang parents mo"sabi kong nakangiti.

Pagdating namin dito ay maraming nag welcome sa amin na mga yaya, pagpasok sa pinakaloob makikita mo ang graduation picture nya na puro mga medalya at certificate at napalingon ako sa kanya na may expressiong humahanga.

"Aba sir, nakadisplay po pala yung sayo dito e, sabi mo po ayaw kang iflex tapos bakit po iyan nandito?"tanong ko.

"Mansion ko 'to kaya nakadisplay iyan dito"malamig nyang sagot kaya natigilan ako, napahiya.

"So magkaiba yung mansion mo na puro sports car sa mansion po na ito? Ibig sabihin po dalawa po ang mansion mo?"gulat kong tanong,

"Yes, yung isang mansion na puro sports car ko ay yung mansion ko na ako ang nagpagawa, heto is yung sobrang mansion ng parents ko na binigay sa akin para hindi na daw ako makipagsiksikan sa mansion nila"sabi ni sir bullet at nakanguso akong tumango.

Pumasok na sya sa loob at pagpasok ay bumungad sa kanya ang isang suntok ng daddy nya, nagulat ako at napaatras sa takot, humawak si sir bullet sa kanyang pisngi na may pasa.

"Dad please, pwede bang huwag tayo dito magbangayan sa harap ng kasama ko? Can we continue it inside my room?"sabi ni sir bullet at napatingin sa akin ang daddy nya, lumingon sa akin si sir bullet at napabuntong hininga sya, "don't you worry huh, im fine"sabi nya at sumama na sa daddy nya habang ako ay nag aalala pa rin sa kanya dahil sa lakas ng pagsuntok sa kanya ng daddy nya.

Habang ako ay nakatayo sa may pintuan ay nakita ko ang isang babaeng napaka donya pumorma, may dala itong wine at naka dress pa na red. Paniguardong mommy na ito dahil may hawig sila ni bullet.

"Oh, look who's here"sabi nito sabay tingin sa akin ng up and down, "sino ka? Saan ka kumuha ng confidence na pumasok dito nang walang pag aalinlangan?"sabi nya, "what kind of magnanakaw are you? Gusto mo tulungan kitang nakawan ang mansion ng nakatira dito?"

"Hindi po ako magnanakaw, kasama po ako ni sir bullet"sabi ko sa mahinahon kong boses at nagsalubong ang kilay nya,

"So sino ka? Don't tell me na girlfriend ka nya, nako hiwalayan mo na dahil wala kang mapapala------

The Beauty And The BoysOù les histoires vivent. Découvrez maintenant