97

1.7K 28 0
                                    




Habang nag iikot kami at naghahanap ng baso ay biglang kumulog ang tyan ko at napautot ako kaya natigil ako sa paglalakad at napahawak sa may gitna kong part,





Napalingon si sir grant dahil narinig nya ang utot kong hindi man lang tumahimik sa public,



"Ikaw ba yun?"tanong nya,



Natulala ako ng ilang segundo, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dahil sa sobra akong nahihiya, para ba namang naka mikropono ang utot ko sa sobrang lakas.



"Uh------



"Ikaw nga dahil alam ko ang amoy ng utot mo"sabi nya at namilog ang mata ko,





"Tanda mo pa ang amoy ng utot ko sir?"tanong ko at napangiti syang tumango,




"Oo naman, how can i forget that smell?"sabi nya at napabuntong hininga akong napapikit dahil hiyang hiya,





"Sir parang gusto kong magback- out sa kahihiyan, nahihiya na nga ako tapos mas lalo mo pang dinadagdagan ang dahilan ko para mahiya"pag irap ko,




"Huwag kang mahiya, ang cute mo kaya nung araw na umutot ka, palaban era mo iyon"sabi nya at napangiwi ako, "i like the way na inasar mo kami no'n at pinagmalaki mong ikaw ang umutot"





"Kayo kase may pakana no'n..... ay wait sir natatae na ako"sabi ko at agaran ng tumakbo para maghanap ng comfort room.



Sa haba ng pila dito ay napangiwi ako at hindi napakaling magpaikot ikot, puno ang comfort room tapos may pila pa kaya agad akong tumakbo nang may lumabas na sa may CR, agad akong pumasok at hindi na inintindi ang pagre- reklamo ng ibang kababaihan.





"Hoy ano ba! Ako na dyan! Pumila ka!" sigawan nila at napabuntong hininga ako,





"Sorry po, taeng tae na po talaga ako, promise po bibilisan ko pong tumae" sigaw ko mula dito sa may loob ng CR at narinig ko ang buntong hininga ng mga tao,




Pagtapos ay nakita ko ang mga matatalas na tingin ng mga tao sa akin, yumuko na lang ako habang palabas nang mabangga ko naman 'tong si sir grant,





"Oh, are you okay? Bakit ka nakayuko?" tanong nya at napapikit akong bumuntong hininga na may pilit na ngiti,




"Sumingit po kase ako sa pila kanina kaya galit po ang mga tao sa akin dito" bulong ko, "tara na po sir grant baka magkaroon ng wrestlingan dito pag hindi pa ako umalis"





"Ayos ka naman na ba?"tanong ni sir grant habang naglalakad kami palabas ng mall, dala na nya ang box ng lagayan ng baso habang ang hawak ko naman ay ang phone nya, hindi daw kase nya kayang hawakan ang phone nya ngayong may hawak sya na box, wala rin syang bulsa kaya ako ang pinaghawak nya.




"Ayos na po ako sir, salamat po sa concern"sabi kong nakangiti,





"Dapat pala tinanong kita if natatae ka bago tayo umalis, sorry huh dahil nangyari pa iyang ganyan sayo sa public"sabi nya at natawa ako,






"Sir hindi mo po yun kasalanan, biglaan lang rin po ito, alam nyo naman po ang tawag ng kalikasan hindi po natin alam kung kailan lalabas"sabi ko at napangiti sya,




"Cutie mo"sabi nya at nauna ng maglakad,

"Asus, nang uuto"pagsunod ko naman sa kanya.



The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now