10

6K 146 8
                                    

"Salamat po sir ashton sa pagkahatid mo po sa akin"sabi kong nakangiti at napangiti sya pabalik.

"Wala iyon, atleast i know that you're safe"sabi nya at napangiti akong tumango.

Pumasok na ako sa loob at napangiti dahil hindi pa rin ako makapaniwala na hinatid ako ng isang ashton.

"Oh bunso? Bakit ka mag isang nangiti dyan? Delikado ka na huh"singit ni kuya kaya binato ko sya ng unan.

"Kuya naman, panira ng moment"sabi ko.

"Susumbong kita kay mama dahil parang may boyfriend ka na"sabi ni kuya kaya napa-ismid ako.

"Anong boyfriend ka dyan? Hindi ba pwedeng may goodnews lang sa trabaho? Ang OA mo"sabi ko at inalisan ko na sya.

Napabuntong hininga ako at hinawakan ang dibdib ko habang iniisip kung paano ako asikasuhin kanina ni sir ashton at kung paano nya ako hinigit mula sa babaeng sinabunutan ako.

"Nako sir ashton, grabe ka na!"tili ko.

Kinabukasan ay kumatok na ako sa condo nila at ang nag bukas ng pinto sa akin ay si sir bullet, parang sya pa lang ang gising, may hawak syang libro at kumunot ang noo nya.

"Good morning po sir"bati ko, "Ang kalat naman po sa loob, linisin ko na po muna"sabi ko at papasok na sa loob nang may marinig akong sinabi ni sir bullet na parang hindi tagalog.

"Duìbuqǐ"

Napalingon ako sa kanya nang nakakunot ang noo, "Ano po iyon sir?"tanong ko ulit para malinawan nang yumuko sya.

"Bingi"sabi nya sabay alis na at pasok na sa loob ng kwarto nya, napangiwi akong nakakunot ang noo.

"May toyo"sabi ko at nilinis na ang kalat nila sa condo, puro mga cans of beer, mga balat ng chichirya at may mga kalat pa ng suka sa sahig kaya for sure na nag inom ang mga ito kagabi. Mga ang gagwapo pero hindi responsable sa paligid, may nakakalat pa nga na condom ni sir severino kaya agad ko itong nilagay sa drawer.

Napapunas na lang ako ng pawis ko nang matapos ko ng malinis ang condo nila habang tuwang tuwa na nalinis ko na ang condo ng magkakaibigan ay napagusot ko ang ilong ko nang may maamoy ako na mabaho at amoy ng basura kaya agad ko itong hinanap.

"Nandyan ka lang pala sa ilalim ng lababo"sabi ko sabay kuha sa basurahan nilang masangsang na, tinapon ko iyon sa may ibaba ng building at napabuntong hiningang bumalik sa may condo nila.

Nag hugas ako ng kamay at ang next ko namang ginawa ay ang mag spray ng pabango sa buong condo para bumango na.

"Nandito ka na pala, lea"nabitawan ko ang spray nang may narinig ako na boses galing sa likod ko, dahan dahan akong lumingon at nakita si sir grant na gulo gulo pa ang buhok, napangiti ako sa kanya at pinulot na ang spray sabay buntong hininga.

"Kayo lang pala iyan sir"sabi ko sabay hawak sa dibdib ko, "Ninerbyos naman ako, akala ko kung sino"

"Sorry huh, naabala ba kita?" nakakamot na tanong nya na tila may hiya sa tono nya,

"Nako hindi po sir, okay na po ba yung condo nyo na makalat kanina?"tanong ko at napangiti sya.

"Oo nga e, nagulat ako. Ang bilis mong maglinis"sabi ni sir grant at napangiti ako. "Sino ang nagbukas sayo ng pinto?"

"Si sir bullet po, sir? May narinig kase ako na sinabi nya kanina kaso hindi ko lang maintindihan. Iba atang language"sabi ko at napakunot ang noo ni sir grant,

"Ano iyon?"

"Daibuchi? Iyon po pagkakarinig ko sir"sabi ko at napakunot ang noo nya.

"Baka naman nahingi lang ng buchi si bullet"sabi nya kaya napaawang ang labi ko.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now