55

1.6K 28 0
                                    

"Iyan kuya! Iyang talbos ng kamote, bunutin mo at ako na dito sa mga mansanas"

Nagbubunot kami ngayon ni kuya sa farm ni lola ng mga kakainin namin ngayong araw, ako sa prutas at si kuya naman sa gulay.

"Ayan oh, may mga strawberries, pitasin mo na"sabi ni kuya at pinitas ko na iyon, busy lang kami sa pagpipitas, ang sarap sa pakiramdam lalo na nasa probinsya ka, malayo sa problema.

"Hindi kaya mangulila sayo yung apat? Mawawala ka ng ilang buwan baka maluko na yung mga iyon lalo na at hindi mo sila ininform"sabi ni kuya at napabuntong hininga ako.

"Hayaan mo na iyong mga yun kuya, para rin makapag pahinga sila sa pag kukumpitensya"sabi ko at natawa si kuya.

"Ang hirap 'no, samantalang ako isa lang sapat na"sabi nya at namilog ang mata ko.

"May nililigawan ka na kuya?"tanong ko at napangiti sya,

"Si maxine, kaya nga sumipag ako e para sa kanya"sabi ni kuya at nagtatalon ako sa tuwa.

"OMG! Primax na ba this?!"tili ko at natawa sya sabay biro nya na hahampasin nya ako ng basket kaya umilag ako.

"Dami mong alam, tara na, okay na ata iyan ang dami na"sabi ni kuya, "akin na iyang basket na dala mo, ako na mag buhat at mabigat iyan"

Pagbalik namin ay abala ang buong baranggay sa pag aayos ng mga handaan, may lechon na rin at iba't ibang putahe.

Ganito talaga sa probinsya namin pag may bagong dating, tulong tulong sa handa kaya naman talagang masasabi mong napakasaya dito.

Grant POV

"Ano iyan tol? Kanina mo pa tinitingnan iyan, ano ba iyan?"tanong ko kay ashton nang mapansing kanina pa sya tingin nang tingin sa isang picture habang naglalakad papunta sa dining area.

Rest day ngayong araw kaya kaming apat ay kumpleto na naman. Si severino ay nakaupo sa sofa at nanonood ng netflix. Si bullet ay nasa sofa rin, nagbabasa ng paborito nyang harry potter book. Si ashton naman ay titig na titig sa isang picture.

"Picture namin ni azalea sa photobooth"sabi nyang nakangiti at hindi maalis ang tingin sa picture, napatingin sa kanya ang dalawa at nakasalubong ang kilay.

"Saang photobooth iyan?"tanong ni bullet,

"Gagayahin mo lang yung style ko e" sabi ni ashton sabay tawa at tinaasan sya ni bullet ng kilay,

"I have my own style kaya huwag mo akong sabihan na nang-gagaya"sabi ni bullet sabay ngiti,

"Alam mo ba ashton na may curse ang dalawang tao na nagpho-photobooth? Mostly sa mga couple na nag pho- photobooth ay hindi nagkakatuluyan o hindi tumatagal, matakot ka na"sabi ni severino sabay tawa at napangisi si ashton.

"Wala iyan sa curse na iyan, nasa dalawang tao na rin iyan kung itatagal pa ba nila ang relasyon o puputulin na nila, ano naman kung hindi ako ang piliin ni azalea, i accept it already that it must be grant because he is the perfect guy for azalea"sabi ni ashton at napakamot ako sa ulo ko sa sobrang hiya.

"Ikaw kaya, sigurado akong ikaw dahil sa naging crush ka ni azalea"sabi ko, "halata naman na crush ka ni azalea noon dahil sa pag titig nya sayo at yung pamumula nya pag nakikita ka nya"

"No, si severino"singit ni bullet, "Dahil nagbago si severino para sa kanya, iisipin ni azalea na sobrang effort ni severino sa pagbabago para sa kanya, all of the women likes a man who are willing to change for them"

"Hindi rin"singit ni severino, "may trust issue pa yun sa akin si azalea sa pagbabago ko, sino ba namang magtitiwala agad sa katulad kong sobrang babaero tapos biglang magbabago"sabi nya at natawa kaming lahat, "si bullet iyon, si bullet ang pipiliin nya dahil sa opposite silang dalawa, sabi nga nila ang magiging soulmate mo ay ang taong opposite ng ugali mo at gawain mo at si bullet iyon"

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now