87

1.1K 20 0
                                    

Wala pa akong ligo pero natanaw ko na agad si sir ashton sa may gate namin, kumunot ang noo ko at napabuntong hininga.

"Hala, diba si sir grant dapat?"bulong kong tanong habang papalapit sa kanya, malayo pa lang ako ay amoy ko na ang Versace eros nyang perfume, naka puti syang polo at naka black trouser, shades at simpleng top sider shoes.

"Oh sir? Bakit po ikaw ang nandito at hindi po si sir grant? Diba po dapat sya po ang kasama ko dahil may car racing po sya ngayon?"tanong ko,

"Na-resched yung racing nila, bale bukas na iyon gaganapin dahil maulan ngayong araw"sabi ni sir ashton, "sabi nya nag text sya sayo, narecieve mo ba?"

"Ay wait po sir, nasa loob po ang phone ko, hindi naman po ako nainform na ganito ka po kaaga pupunta dito, edi sana nagprepare na po ako"sabi kong nakatakip sa bibig ko dahil wala pa akong toothbrush.

"Ayos ka lang ba?"tanong nya, "bakit ka nakatakip ng bibig? Mabaho ba ako?"

"Ay hindi po sir ashton, kakagising ko lang po, wala pa po akong tootbrush kaya bad breath po ako, ayoko pong maamoy mo at baka mahimatay ka"sabi ko at nagsalubong ang kilay nya,

"No it's fine, lahat naman tayo bad breath pag bagong gising, tanggalin mo na iyang kamay mo sa bibig mo, ayos lang naman at lahat naman tayo ganyan pag bagong gising"sabi ni sir ashton sabay dahan dahang tinanggal ang nakatakip kong kamay sa bibig ko,

"Hala sir, nakakahiya naman"sabi ko,

"Anong nakakahiya doon? Lahat tayo hindi perfect sa mundong 'to, lahat tayo umuutowt then nabaho ang hininga so you don't need to be shy"sabi ni sir ashton at natawa ako,

"Umuutowt?"tawa kong sabi,

"Did i pronounce it wrong?"tanong ni sir ashton at natawa akong umiling,

"Hindi naman po, tama naman po pero may W lang"sabi ko at natawa sya,

"I can't stop myself from putting W on my filipino words"sabi nya, "sige na, mag prepare ka na at mag aantay ako sayo dito, pupunta tayo sa binyag"



"Pasok ka na po muna sir, timplahan po kita ng kape"sabi ko at napangiti sya,

"Nakapag kape na ako sa SB kanina para hindi na ako makaistorbo sayo, magprepare ka na"sabi nya at napangiti ako, agad akong tumakbo paloob para maligo at pagtapos no'n ay nagbihis na agad ako ng pff shoulder white dress, tinali ko lang ang buhok ko at napangiting tumingin sa may salamin.

Hindi na ako nag make up pa dahil mas gusto ko ang natural kong mukha, mas mukha akong malinis pag natural lang ang mukha ko at walang halong kahit ano, polbo lang ay sapat na. Naiinggit nga ako minsan sa mga babaeng kahit magmake up o walang make up ay maganda, hindi katulad ko maganda lang ako pag walang make up pero mukhang mananakot pag may make up at isa iyon sa insecurities ko, gusto ko man mag make up pero hindi ko magawa dahil sa hindi ako maganda pag nakamake up.




Pagbaba ko ay nakita ko si sir ashton sa may labas, nanatiling nakatayo, lumapit ako sa kanya at nakita kong natigilan syang nakatingin sa akin.

"You look like an angel"sabi nyang nakatulalang tinitingnan ako up and down.






"Nako sir, mukha lang pero hindi talaga"biro ko pero hindi sya natawa, nakatitig lang sya sa akin at napabuntong hininga,






"Ang swerte ko pag ako naging boyfriend mo kase ganitong hitsura ang bubungad sa akin araw araw"sabi ni sir ashton na nakangiting nakatitig sa akin,






"Sir hindi naman po ako araw araw ganito ang hitsura kaya magsisisi ka lang, araw araw na bubungad sayo ay yung hitsura ko kanina na gulo gulo ang buhok at may panis na laway pa sa gilid ng labi"tawa kong sabi,

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now