73

1.2K 22 1
                                    

Dahil sa nangyari ay napag desisyunan naming lahat na itigil ang bakasyon at magpaalam kay lola na uuwi muna kami sa manila para doon pagalingin ang sarili sa trauma sa pambabastos sa akin.

Nandito na kami sa may bahay, nakaupo ako sa sofa katabi si maxine at mama samantalang ang apat ay nasa katapat kong upuan.

"Walanghiya iyon, ginawa iyon sayo?!" tanong ni maxine at nahugot ko ang hininga ko,

"Oo nga, uncomfy na tuloy ako sa bawat kilos ko at isusuot ko, may mga nambastos rin sa akin noon sa starbucks pero naagapan agad dahil kay sir severino pero ngayon kase parang pakiramdam ko natingnan nung lalaking iyon ang buo kong pagkatao bago pa man nakita ni sir bullet"sabi kong nakatulala, "ramdam kong hindi na ako comfortable"sabi ko habang nanginginig ang mga kamay ko, "hindi nga ako nagalaw pero nakita naman ang buo kong pagkatao"

Hinawakan ni sir bullet ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya,

"Huwag ka ng mag alala azalea kase nandito naman kaming apat para tulungan ka na makuha ang hustisya na kailangan mo, tandaan mo lagi na hindi mo deserve na gawin iyon sayo huh?"sabi nya at napalunok akong tumango,

"Magpahinga ka na lang azalea at kami na ang bahala na humanap sa tarantadong gumawa no'n sayo, okay?" sabi ni sir severino,

"Sorry po mga sir huh kase masyado naman na po akong abala po sa inyo, imbes na ako ang gagawa ay kayo ang gumagawa"sabi ko,

"Huwag kang mag sorry kase responsibilidad naming ipagtanggol ka at ibigay ang nararapat para sayo at iyon ay ang makulong ang bumastos sayo"sabi ni sir grant.

"Huwag kang mag aalala azalea dahil gagawin namin ang lahat para mahanap ang gumawa sayo ng ganoon" sabi ni sir ashton sabay hawak sa balikat ko, "hindi kami babalik dito hangga't hindi namin napapakulong ang gagong gumawa sayo ng kasamaan"

"Salamat po mga sir"nanghihina ang boses ko nang yumakap ako sa kanilang apat.

Umalis na rin sila matapos silang handaan ng pananghalian ni mama, nasa kwarto ako ngayon at hindi pa rin talaga maalis sa isipan ko ang nangyari.

"Buti na lang at nandyan ang apat para ipagtanggol ka"sabi ni maxine sa tabi ko at napabuntong hininga ako,

"Buti nga dahil paano kung wala sila diba? Edi hindi ko nalaman na bianbastos na pala ako ng kung sino dyan, baka makita ko na lang ang sarili ko sa kung ano anong apps mas nakakatrauma iyon"sabi ko sabay buntong hininga. "Nakakatrauma iyon, ngayon ko lang narealize na kawawa pala ang mga taong nababastos, kahit mild lang kung pambabastos iyon, nakaka trauma pa rin. Paano nasisikmura ng mga demonyong iyon na mambastos ng babae? Hindi ba nila alam na babae rin ang nagluwal sa kanila tapos ganoon sila tumrato ng babae sa paligid nila?"

"Walang konsensya ang mga ganyan azalea, walang konsensya ang mga iyan kaya kung nandoon ako at nakita kong binabastos ka? Baka napatay ko na iyon"sabi ni maxine sabay yakap sa akin, "huwag mo ng isipin iyon huh? Mahahanap rin natin ang gumawa no'n sayo, huwag ka ng mag alala dahil lahat kami kikilos para sayo"

Napaka swerte ko dahil may mga tao sa paligid ko na handang tumulong sa akin na mahuli ang taong namanyak sa akin at taong handang tumulong sa akin para mawala ang trauma na naiwan sa akin sa mga nangyari.

Nakatambay lang ako dito sa may kwarto at hindi pa rin maiwasan na maisip ang nangyari, kailangan ba talagang mambastos ng mga lalaki sa panahon ngayon?

Hindi dapat ganoon ang mga lalaki dahil hindi ba nila iniisip na babae ang asawa nila o girlfriend, babae ang tita nila, babae ang nanay nila at babae ang kapatid nila kaya bakit nila ginagawa iyon sa babaeng nasa paligid nila? Hindi ba nila iniisip ang mararamdaman rin ng babae nyang mahal kung iyon ang nasa kalagayan ng babaeng binabastos nila? Hindi ba nila iniisip na siguro pag ang jowa ko o ang nanay ko ang nasa kalagayan ng babaeng binabastos ko ay suguradong mata-trauma iyon.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now