TBATB SPECIAL CHAPTER

2.6K 34 0
                                    

The Wedding




Ang sarap naman sa feeling na ang first boyfriend ko ay sya rin pala ang ikakasal sa akin, sabi ko noon sa sarili ko na kahit hindi mayaman at kahit walang itsura basta hindi cheater at hindi ako iiwan? Ayos na ako pero hindi ko alam na nakalaan sa akin ang ka-swertehan sa mundong 'to, pogi at mayaman na nga ang naging boyfriend ko, tapat pa at marunong mag antay ng tamang oras,


Sabi nga nila, pag hindi mo minamadali ang love at marunong kang mag antay ng tamang oras para sa love na iyan, siguradong ibibigay sayo ni lord ang tamang tao para sayo pero kung minadali mo naman ang love at ikaw mismo ang naghanap dito, huwag kang magtataka kung masasaktan ka kase iyon ang consequences sayo dahil hindi ka marunong mag antay.

May taong para naman sa atin e, huwag lang tayo magmadali agad, may plano sa atin ang nasa itaas and let's wait for that time to happen.

And isa pang natutunan ko sa buhay ay let your heart decide, katulad nyan, puso ko ang nag decide kung sino ang pipiliin ko sa apat at ngayon ang pinili ng puso ko ay ang taong papakasalan ko rin.

"OMG! Teh dati nag aaway lang kayo ni bullet tapos ngayon ikakasal na kayo at bubuo ng pamilya"sabi ni maxine habang inaayusan ako at napangiti ako,

"Masasabi ko talagang mapaglaro ang tadhana, yung dating kinamumuhian mong tao noon ay magiging asawa mo na ngayon"sabi ko at napangiti sya,

"Im so happy for you"sabi nya, "hindi ko akalain na malayo na ang mararating mo, hindi namin akalain na makakapag asawa ka pa sa sobrang busy mo sa pag abot ng mga pangarap mo"

Actually may anak na sila ni kuya, buntis ngayon si maxine at manganganak na sya sa march,

"Huwag ka ng umiyak kase hindi yan makakabuti kay baby"sabi ko,

"Tears of joy lang 'to kase may kanya kanya na tayong pamilya, sunod ikaw na ang magkakaanak"sabi niya at napangiti ako at napaisip kung ready na ako para doon, sa pagkakaroon ng anak kase may plano pa ako at may goal pa ako na aabutin pagtapos ng kasal namin ni bullet pero makakapag antay naman pa si bullet sa oras na iyon diba?

Hindi ko rin masisi ang sarili ko kung bakit hindi pa ako ready sa ganoon, syempre as a bago lang naging successful sa buhay syempre marami akong gustong gawin na hindi ko nagawa noon kaya gagawin ko na muna bago ang pagkakaroon namin ni bullet ng anak.

"Anak!"napalingon ako at napangiti nang makita si mama, nakaayos na rin sya at may hawak na rin na bulaklak, na tears of joy pa nga sya nang makita nya ako.

"Ma, sayang po ang make up, huwag ka na pong umiyak dyan"sabi kong nakangiti sabay punas sa kanyang luha at napangiti sya,


"Natutuwa lang ako anak kase hindi ako makapaniwala na mag aasawa ka na"sabi nya at napangiti akong hinawakan sya sa kamay,

"Ako nga rin po ma hindi po ako makapaniwala na magkakaroon na po ako ng asawa"sabi ko, ayokong lumuha kaya pinipigilan ko at sayang ang make up ko dahil mag uumpisa pa lang ang kasalan.


"Grabe naman anak, sobra akong natutuwa na yung first boyfriend mo ay ang taong ikakasal sayo"sabi ni mama at napabuntong hininga akong napatingin sa itaas,


"Sadyang ang ganda ng ikot sa akin ng swerte mama, noon takot ako na mag boyfriend kase baka lokohin lang ako when this man came in my life, sa kanya ko naramdaman yung true love pero nag iisip rin ako kung totoo na ba 'tong love nya para sa akin o baka pinaglalaruan lang nya ako dahil kase mayaman sya at mahirap lang ako pero hindi naman pala, kaya sya ang sinagot ko"sabi kong nakangiti, "hindi ako makapaniwala na magiging buenaflor na ako, azalea serafina buenaflor"

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now