68

1.3K 26 0
                                    

Kinabukasan ay nagbabalot kami ngayon ng gamit naming lima dahil inaya kami ni kuya at ni mama na mag beach daw kami habang si lola naman ay nagpaiwan.

"Knock"natigil ako sa pagbabalot ng gamit nang marinig ko si sir bullet sa mababa nyang boses, binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at kumunot ang noo ko.

"Bakit po sir?"tanong ko habang nakasandal sa may pintuan ko,

"Gusto mo tulungan na kitang magbalot ng mga damit mo?"tanong nya.

"Uh huwag na po sir bullet, okay naman na po ang mga dadalhin ko, inaayos ko lang po ng lagay"sabi nya at wala syang reaksyon na tumango,

"Basta kung kailangan mo ng magbubuhat ng maleta mo, tawagin mo lang ako huh"sabi nya at tumango akong nakangiti, bumaba na sya dala ang maleta nya at sinarado ko naman ang pinto ng kwarto ko para ayusin na ang mga gamit ko.


Pagtapos ay agaran na akong bumaba, nakita ko na nagke-kwentuhan si sir grant at lola, si sir ashton naman ay natanaw kong nasa labas ng bahay namin, kausap ang driver ng van, si sir severino naman ay inaayos ang maleta nya at si sir bullet naman ay kausap ang mama ko.


Pagtapos ng kanya kanya naming gawain ay nagpaalam na kami kay lola na aalis na kami, lahat kami ay bumeso at nagmano bago sumakay sa van.

Katabi ko si sir ashton, nandito ako sa may bandang bintana nakaupo para makita ang daan na madadaanan namin, katabi naman ni sir ashton ay si sir grant. Sa unahan naman namin ay katabi ni sir bullet si mama, sumunod naman na katabi ni mama ay si sir severino, si kuya naman ay katabi ang driver ng van.


"Mukhang excited kayo ah"sabi ni mama at napangiti ang apat,

"Syempre naman po tita dahil kasama po namin kayo"sabi ni sir severino, "malawak po pala itong batangas"

"Oo, hindi pa ba kayo nakakapunta dito mga anak?"tanong ni mama sa kanila,

"Hindi po dahil panay po kami sa ibang bansa napunta"sagot ni sir ashton,


"Hay nako minsan mga anak punta kayo sa mga probinsya dito sa may pilipinas, ikutin nyo at siguradong mag eenjoy kayo at kung gusto nyo naman ng kasama sa pag iikot sa mga probinsya aba pwede namin kayong samahan ni azalea"sabi ni mama.

"I wish you are my mom, madaling kabonding unlike my parents, sinasabihan nila ako na binata na ako kaya kailangan kong matuto na tumayo na sa sarili kong paa"sabi ni sir bullet, "hindi naman po ibig sabihin na magpapasama ka sa kanila ay duwag ka na, gusto ko lang pong magpasama sa kanila para makapag enjoy kami, magbonding at makasama ko sila kahit isang araw lang pero iba po ata ang iniisip nila kaya nagpapasama ako"




"Huwag ka ng malungkot bullet kase nanay nyo naman na talaga ako dahil ang turing ko na sa inyong apat ay parang anak ko na rin, wala ng magtatampo sa kanya kanya nyong nanay, kung busy sila edi ako na lang ang magiging nanay nyo muna"sabi ni mama at napangiti ang apat.


"Napakasarap naman po sa pakiramdam na pakinggang tanggap mo po kami bilang anak mo po"sabi ni sir grant at inakbayan sila ni mama para yakapin at halikan sa noo nila.



"Nakakatuwa naman ang mama mo, ang humble and kind-hearted"bulong sa akin ni sir ashton at napangiti ako.



"Ganyan po talaga si mama, hindi po sya yung klase ng tao na may nileleft out. Lahat po ng nasa paligid nya ay tinuturing nya pong anak, mapabata man o matanda, tinuturing nya pong anak"sabi kong nakangiti,



Maya maya pa sa haba ng byahe ay nakarating na kami sa may beach, dala dala namin ang kanya kanya naming maleta nang may kumuha no'n sa akin, si sir bullet, may dala na nga syang maleta nya tapos dinala pa nya ang akin kaya inagaw ko iyon sa kanya pero hindi na matanggal sa kamay nya, napakatigas masyado ng kamay.




The Beauty And The BoysOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz