24

4.5K 96 18
                                    

"Thank you po mga sir sa pagpunta nyo po at pag explain kay mama ng lahat"sabi ko at hinatid ko sila sa may gate namin dahil uuwi na sila.

"Thank you rin sa time ninyo na makipag chikahan ng kahit kaunti"sabi ni sir ashton at ngumiti ako.

"Dude don't be so gentle when you talk to her baka mamaya ay makakita tayo ng pulang itlog"sabi ni sir severino kaya tumaas ang kilay ko.

"Severino"pag saway ng tatlo sa kanya at natawa sya.

"Mga hindi naman kayo mabiro e"sabi ni sir severino kaya natawa na lang ako.

"O sige mga sir huh, bukas papasok pa rin ako at ipagpapatuloy ko ang trabaho ko dahil wala ng problema sa side ng mama ko"sabi kong nakangiti.

"Wait lang! Wait!"napalingon ako at nakita si maxine na may dalang phone.

"Hi po mga sir, pwede po bang papicture sa inyong apat?"tanong ni maxine at tumango ang apat.

"Salamat po!"tili ni maxine at humarap ulit sa akin ang apat.

"Thank you again azalea"sabay nilang sabi at tumango akong nakangiti.

"O MY GULAY! Ayan may ipagyayabang na ako sa mga ka- work mates ko"sabi ni maxine habang titig na titig pa rin sa may picture nilang lima nila sir.

"Buti naman at naayos na ng madalian ang lahat"sabi ko.

"Buti nga at pinapunta mo sila dito"sabi ni maxine at napabuntong hininga akong kibit balikat.

"Mukhang mga nainitan kaya maagang umuwi"sabi ko.

"Grabe ka naman teh"

"Ako na ang time para mag utos sa sayo"sabi ni sir bullet nang tanungin ko sila kung sino na ang pagsisilbihan ko.

"Oh ayun naman pala sir, sige go ako dyan"sabi ko sabay lahad ng kamay ko, "Asaan na po ang listahan?"

"Isa lang naman ang utos ko sayo"sabi ni sir bullet at kumunot ang noo ko.

"Nako sir, ang hina mo naman. Isa lang?"tawang kong tanong. "Akala ko pahihirapan mo ako tapos isa lang pala"

"Oo isa lang at iyong isang utos na iyon ay ang papatay sayo kaya huwag kang pakampante"sabi ni sir bullet.

"Don't me sir,"sabi ko at tatlo silang kumunot ang noo.

"Anong don't me pinagsasabi mo, tara na"sabi nya at sinundan ko sya.

Sumakay kami sa sasakyan nya at wala lang syang reaksyong nag drive.

"Ano po bang iuutos mo sir?"tanong kong nakangiti nang tingnan nya ako ng masama.

"Marunong ka dapat mag hintay, baka mamaya pag sinabi ko na sayo ay mag reklamo ka na"sabi nya, "Mas mabuti ng nasa harapan ang gagawin mo para wala ka ng takas"

"Ako sir? Tatakas sa gawain? Kahit kailanman sir ay hindi ako natakas sa gawain kaya huwag ka pong eme dyan"sabi ko at nakita kong kumunot ang noo nya.

"Eme? Ano iyon?"tanong nya at natawa ako.

"Tingnan mo, makapang okray ka sa sinabi ko kaninang don't me, di mo pala alam yung eme"sabi ko, "I-dictionary mo, goodluck kung makita mo iyon sa dictionary"sabi ko.

"Hinahamon mo talaga ako 'no?"sabi nya at natawa ako.

"Oo sir, lagi mo akong hinahamon kaya ngayon naman ay ikaw naman ang hinahamon ko"sabi kong nakangiti nang sumimangot na syang nag drive.

Pagbaba ko nang kotse ay nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng isang mansion at maraming sports car, tumingin ako kay sir bullet na gulat at hindi makapaniwala sa pinuntahan namin.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now