57

1.6K 29 0
                                    

Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko si lola at ang apat na nag uusap, nakakatawa ata ang usapan nila kaya lahat sila ay natawa.

"Nako ganoon po katapang ang apo nyo po, nawala angas ko doon"tawang sabi ni sir severino, ako pala pinag uusapan.

"Ako nga po nag susungit sa kanya kaso hindi kinaya ng puso ko na sungitan sya dahil sa napakatapang rin po ng apo nyo po, tinatapatan ang kasungitan ko sa kanya"sabi naman ni sir bullet,

"Hay nako palaban talaga ang apo kong iyon kaya huwag nyong basta bastahin iyon"sabi ni lola, nandito pa rin ako sa may hagdan at pinagmamasdan sila kung gaano kasiya ang usapan nila,

"Ang galing niyo naman talaga, close na agad kayo kay lola"bulong kong nakangiti.

"Eto lang ang maipapayo ko sa inyo na kung sino man ang mapili sa inyo ng apo ko, sana naman ay alagaan nyo sya kung paano nyo sya alagaan nung nililigawan nyo sya"sabi ni lola, "mahal na mahal ko iyang apo kong iyan kaya huwag nyong pababayaan at lolokohin"

"Tandaan mo po lola na never naming sasaktan ang apo nyo po, kahit na wala sa aming apat ang piliin nya ay aalagaan pa rin namin sya at gagawan ng mabuti"sabi ni sir grant at napangiti si lola na ginulo ang buhok nya,

"Huwag puro salita mga apo, gumawa rin huh, huwag rin puro pangako dahil maraming pangako ang napapako"sabi ni lola at ngumiti ang apat nang maubo ako kaya naagaw ko ang attensyon nila.

"Oh andyan na pala ang apo ko, azalea halika rito at magke- kwentuhan tayo ng mga manliligaw mo"sabi ni lola at nakangiti akong pumunta sa pwesto nila.

"Sino sa inyo ang close sa pamilya?"tanong bigla ni lola at nagtinginan ang apat, wala naman sa kanilang apat ang close sa pamilya dahil lahat sila ay tinataboy ng pamilya.

"Uh lola, off topic po muna tayo, bukas po pala is iikot po natin sila sa may batangas, willing po silang makilala ang mga tao dito"pag iiba ko ng topic dahil mukhang hindi na comfortable ang apat sa tanong ni lola.

"Ay oo naman, iiikot namin kayo ni lea dito, nako matutuwa ang kaanak namin pag nalamang may manliligaw na ang apo ko"sabi ni lola, "bina-baby kase 'to ng kaanak namin kaya pag nalaman no'n na may manliligaw na ang apo ko ay sasabihan na syang dalaga, baka nga maiyak pa iyon at feeling nya ay mawawalay na sa kanya ang apo ko"

"Nakakatuwa naman po at close sa lahat si azalea"sabi ni sir bullet, nakaupo sa sahig ang apat at kami naman ni lola ay sa upuan, may bakante namang upuan pero hindi ko alam kung bakit mas gusto nilang umupo sa sahig.

"Nako, napakalambing kase nito simula bata pa hanggang ngayon, friendly pati ito, kaya napaka swerte ng mapipili nya sa inyo dahil lahat ng tao dito sa baranggay namin ay ka-close nitong si azalea, maraming nagmamahal rito kay azalea kaya pakaingatan ninyo kundi marami kayong makakalaban once na sinaktan nyo sya"sabi ni lola at natawa ako,

"Never po naming sasaktan ang apo ninyo, ipapakita po naming apat sa inyo"sabi ni sir ashton.

"Tatanggapin nyo ba kung sino ang pipiliin ni azalea?"tanong ni lola,

"Opo naman, doon po sya masaya kaya masaya na rin po kami, sabi nga po namin, may the best man win, walang pikunan o suntukan na magaganap dahil pinili naming magkagusto sa iisang babae kaya wala dapat masisirang pagkakaibigan, patasan lang po para sa puso ni azalea"sabi ni sir severino sabay tingin sa akin at ngiti.

"Halatang halatang gusto nyo talaga ang apo ko, ipagkakatiwala ko sya sa inyong apat at huwag nyong sisirain ang tiwala kong iyon"sabi ni lola at ngumiti ang apat sabay taas ng kanan nilang kamay.

"Pangako po lola na never naming sasaktan ang apo mo po"sabi ng apat nang sabay sabay at natawa kami ni lola dahil para silang batang nangangako.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now