23

4.3K 101 1
                                    

"Huh? Sinong bisita? Wala akong inaasahan na bisita ngayon kuya"sabi ko at binigyan nya ako ng hindi naniniwalang ekpresyon.

"Apat na pogi at matatangkad"sabi nya at kumunot ang noo ko hanggang sa kinurot ako ni maxine sa balakang.

"Bhie, baka yung apat na iyon"sabi nyang nakangiti at napangiwi ako.

"Mga iyon? Hindi yun pupunta dito hindi mga sanay yun sa walang aircon at sa masikip na lugar"sabi ko.

"Bilisan mo bunso"sabi ni kuya kaya napababa na ako, natigilan ako sa tabi habang napakagat labi naman si maxine sa tabi ko.

"O MY GOD! TOTOO BA ITO"pag tili ni maxine sa tabi ko habang ako ay nanatiling nakatulala.

"Hindi 'to totoo"bulong ko.

"Tara na ana------ natigilan rin sya nang makita ang apat. Kumunot ang noo nito at lumapit sa apat.

"Hoy kayo sino kayong trespasser dito?! Alis!"sabi ni mama at napangisi si sir bullet.

"May pinagmanahan"bulong nito na akala naman nya ay hindi ko narinig kaya inismidan ko sya.

"Sino kayo huh?! Napasok kayo ng walang permission? Umalis kayo at hindi porket mga gwapo kayo ay mag tetrespass na kayo"sabi ni mama at lumapit ako sa kanya.

"Ma, hindi po sila trespasser, mga boss ko po sila at sa kanila po ako nag tatrabaho"sabi ko at kumunot ang noo nitong napatingin sa akin.

"Sila?!"tanong nito at tumango ako.

"Hi po tita"sabay sabay silang magmamano kaya lalong napatili si maxine.

"Parang pamamanhikan 'to guys"tili ni maxine kaya lumingon ako sa kanya at sinimangutan.

"Pamamanhikan?"tanong ni sir ashton at napakagat labi ako para pigilan ang tawa ko dahil sa pag pronounce nya ng pamamanhikan na pamamaheykayn.

"Uh wala sir, masyado lang talaga 'tong kaibigan ko ang bibig ayaw itikom"sabi ko na may pekeng ngiti.

"Anong tita kayo dyan? Mag usap tayo at magpakilala kayo sa akin para malaman kong safe ang anak ko sa inyo at pag hindi ay babawiin ko sya sa inyong apat"sabi ni mama.

Nakaupo na silang lima sa may sofa habang ako ay nasa likod ni mama hawak ang magkabilaang balikat nya.

"Sino ka na mukhang british? Pakilala ka"tanong ni mama kay sir ashton, ngumiti ng malaki si sir ashton sabay hinga ng malalim.

"I am Duke Ashton Sandoval, i am 25% british, 25% italian and 50% filipino, im architect and engineer at the same time and i am one of the owner of BGSA Bar and Streat Resto and marami pa pong iba"sabi ni sir ashton, "Dont worry tita because bukod sa boss ako ni azalea ay kaibigan nya rin ako, maasahan akong kaibigan at pag may problema po si azalea ay sasamahan ko po sya lagi kaya huwag ka na pong mag alala dahil aalagaan ko po ang anak nyo po dahil kaibigan ko sya"

Kinurot ako ni maxine sa tagiliran sa sobrang kilig at ako naman ay pinipigilan ang ngiti sa sinabi ni sir ashton, ayokong makita ako ni mama na kumekerengkeng.

"Oh ikaw naman mr tangos ilong? Pakilala ka"tanong naman ni mama kay sir grant, napahinga pa si sir grant at halatang nahihiya.

"Uh......"tumingin sya sa akin na parang nagtatanong kung kaya ba nya nang bigla ko syang ngitian at tinanguan na kaya mo iyan, huminga sya at napangiting nakakamot sa ulo.


"Ako po si Grant Xyrus Mendoza, isa pong chef at bartender sa BGSA Bar and sa Streat resto, 50% korean and 50% pinoy po ako. Mahiyain po ako actually and not talkative at all kaya huwag ka pong mag alala na may masama po akong gawin sa anak mo po kase kahit makatitig nga lang ng matagal sa kanya ay hindi na kinakaya ng confidence ko iyon pa po kayang gumawa ng masama sa kanya. Hindi rin po ako yung type ng lalaki tita na pala utos dahil ayokong may nakikita akong taong nahihirapan, huwag ka pong mag alala dahil sa kamay ko po ay safe ang anak mo"sabi ko at nakita kong napangiti si mama.

The Beauty And The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon