03

9.4K 188 0
                                    

"Lahat ng iuutos namin sayo ay susundin mo"sabi ni tisoy,



"Bakit ba kayo nag dedesisyon ng inyo, hindi pa ako pumapayag"galit na tugon ni bullet habang nakatingin pa rin sa akin nang masama.




"Ano? Grant? Magsalita ka kung may idadagdag ka pa sa mga plano namin para mabayaran ni miss?"





"Azalea Serafina Natividad, in short lea"sabi ko at makikipag shake hands kay sir tisoy at tinanggap nya iyon nang nakangiti.




"Kay miss lea"




"Uh wala na mga par, kayo na lang ang mag desisyon kase wala naman akong pag mamay ari sa mga nasira nya..... ay yung vase pala pero ayoko na kaseng mag decide kayo na lang"sabi ni grant habang nakangiti sa akin.





"Deal?"tanong ko habang nakahanda ang kamay na makipag shake hands sa kanila,





"Wait! Hindi pa ako pumapayag kaya bakit kayo nag dedesisyon?"tanong ni bullet.





"Bro, 3 versus 1? Talo ka"tawang sambit ni severino, tumingin ako kay bullet na ngayo'y mukhang galit na galit.




"Wala ka na pong magagawa sir bullet kundi pumayag kase kawawa ka, isa ka lang tapos tatlo sila"sabi kong nakangiti at inaasar sya,





"Wait may idadagdag ako!"singit ni sir severino kaya napakunot ang noo ko,





"Ano iyon seve?"tanong ni sir grant.




"Dapat araw araw akong may kiss"sabi nya at napaawang ang labi ko, siniko sya ni sir tisoy kaya natigil sya sa pagtawa.



"Umayos ka nga seve, you're not funny"sabi ni sir tisoy sabay pakikipag shake hands sa akin, kay sir severino at grant ay nakipag shake hands ako pati kay sir bullet at kita pa rin sa kanya ang pilit nyang pakikipag shake hands sa akin.




"So mga sir, mag start na po ba ako ngayon?"tanong ko.





"Actually bukas pa dahil gagawa pa kami ng listahan ng mga gagawin mo"sabi ni sir severino na patawa tawa kaya napaawang ang labi ko.




"May listahan pa po?!"gulat kong tanong.



"Syempre, para hindi maubos ang laway namin kakasigaw ng mga iuutos namin sayo"singit ni bullet kaya pinanliitan ko sya ng mata.




"Okay, ilista nyo lang guys kahit gaano pa iyan kadami, kakayanin ko"sabi ko habang inaasar na nakatingin kay sir bullet na ngayon ay nakasimangot.





"Palaban talaga 'to si lea e"tawang sambit ni grant kaya natawa ako.



"Aba sir oo naman, baka si azalea ito, babaeng walang inaatrasan"sambit ko.




Naglalakad lakad na lang ako dito sa may side walk, napapabuntong hininga at iniisip kung tama ba ang pinasok ko na pumasok ako sa mga magkakaibigan na iyon. Aaminin ko na medyo kabado ako kase baka mamaya ay sobrang dami nga nilang ipagawa.





"Lea kase e! Bakit ka ba gumawa ng ganoong bagay"inis kong sambit sa sarili habang naglalakad. "Iyang bullet kase na iyan e, malas ka talaga sa buhay ko bullet!"sigaw ko sabay upo sa may tabi. Doon muna huminga hinga at iniisip kung tama ba ang pinasok kong trabaho,




"OMG! Totoo? Sa BGSA ka papasok ng trabaho?"tanong ni maxine na tuwang tuwa, nandito kami ngayon sa may tindahan nakatambay at nakain ng chichirya pampatanggal stress.





The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now