62

1.3K 32 0
                                    

"Ano ba sir ginagawa mo dito? Nagpapahinga ako, okay?"inis kong sabi at bumitaw na sya sa yakap sa akin,

"Sorry huh sa ginawa naming pagpapasaway, ayaw kase naming ikaw ang mapapagod, nabenta naman namin yung mga paninda"sabi nya sabay ngiti, "ubos na"

"Kahit ako ang magtitinda no'n, mauubos rin iyon sir"sabi ko sabay irap at krus ng braso ko, "mga pasaway kayo, nasaan na yung tatlo? Naligaw na?"

Ayokong magsungit sa kanila pero kung hindi naman ako mag susungit ay siguradong uulitin nila ang pagiging pasaway.

"Hinahanap ka rin nila e, naghiwa- hiwalay kami, nawawalan na nga ako ng pag asa pero sakto napuntahan ko 'tong dagat nandito ka lang pala" sabi nya.

"Uuwi naman ako sir bullet, hindi nyo naman po ako kailangang hanapin" sabi ko,

"Iniisip ko kase na baka binalikan ka ng lasing na nanghipo sayo"sabi ni sir bullet at napabuntong hininga ako.

"Edi sinuntok ko ng isa iyon kung binalikan ako no'n"sabi ko sabay punas ng luha nya, "bakit ka ba naiyak sir?"

"Bumalik na naman kase yung fear ko na mawalan ng minamahal, akala ko mawawala ka na kaya nauna na ang luha ko"sabi niya, "hindi na kaya ng utak ko ang pag ooverthink sa kalagayan mo"

"Huwag ka na pong mag overthink dahil ayos naman po ako, huwag na po kase kayong sumuway sa sinasabi ko" sabi ko sabay hawak sa wrist ni sir bullet, "balik na po tayo sa bahay at baka nag aalala na po si lola at mama. Sigurado akong nag aalala na po iyon, kayo kase mga sir, dinadamay nyo pa si lola at mama sa pagiging praning nyo" sabi ko habang naglalakad na kami pabalik sa bahay,

"Aba sinong hindi mapa-praning, kanina kasama ka lang namin tapos bigla kang mawawala, pagbalik pa namin sa bahay ay wala ka doon"sabi ni sir bullet, "hindi ka namin mahal kung hindi kami nag aalala sayo, ganoon iyon"

"Edi wow"sabi ko.

Pagbalik namin ay nandoon na ang tatlo, hindi pa rin mapakali maging si mama at lola ay tanaw kong nakatayo at nag aalala na.

Pagpasok ko sa bahay ay sinalubong ako ng yakap ng tatlo,

"Lea!"sabay sabay nilang sabi,

"Anak"sabi naman ni mama at niyakap ko sila ni lola nang makabitaw na ang tatlo sa pagyakap nila sa akin.

"Saan ka ba galing bunso? Nag alala kaming lahat sayo"sabi naman ni kuya sabay yakap sa akin,

"Akala tuloy namin kung ano na ang nangyari sayo,"sabi ni lola at napabuntong hininga ako.

"Ayos naman po ako, nagpahangin lang po ako sa may labas para mabawas- bawasan po ang stress na nararamdaman ko ngayon, heto namang apat na 'to dinamay pa po kayo sa pagiging praning nila" tawa kong sabi habang hinahawi ang buhok ni mama.

"Ikaw ba naman na biglang nawala sa tabi namin, akala namin umuwi ka na tapos pag uwi namin ay wala ka pa pala"sabi ni sir grant at natawa ako.

"Ayos po ako okay? Kung bigla lang po ako mawawala, asahan nyo pong nagpapahangin lang po ako para mabawasan ang stress na nararamdaman ko po"sabi ko sabay yakap ulit kay mama at lola.



"Thank you bullet huh dahil nahanap mo ang anak ko, nako aatakihin ako sa puso pag bumalik ka dito nang hindi mo kasama si azalea"sabi ni mama sabay hawak ng kamay ni sir bullet.

"Nako hindi naman po ako babalik dito nang hindi ko nahahanap ang anak mo po"sabi ni sir bullet sabay yakap sa kanya ni mama maging sa tatlo ay niyakap nya.

"Nako nagpapasalamat ako na nagkaroon ng responsableng manliligaw ang anak ko, nako napakasarap sa pakiramdam na magkaroon ng katulad nyo"sabi ni mama at napangiti ang apat.

The Beauty And The BoysTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang