53

1.7K 36 0
                                    

Azalea POV

Pag uwi ay agad akong dumiretso sa kwarto at napapikit sa sobrang pagod, nagsabay pa ang trabaho at date kaya sobrang nakakapagod, minsan gusto ko ng sumuko pero hindi ko kaya dahil sa iniisip ko ang pamilya ko at ang kinabukasan ko.

Naluluha na lang ako sa sobrang pagod na pagod na ako, doon ko na lang inilalabas ang pagod ko sa pag iyak ng mag isa.


Kinuha ko ang phone ko at nag twitter ako, in that way? Doon ko malalabas lahat ng nararamdaman kong pagod para naman maginhawaan ako. Ayoko namang sabihin kay mama na pagod na ako dahil ayokong patigilin nya ako sa trabaho at ayokong mag alala pa sya sa akin kaya sinosolo ko na lang.



Ayoko rin sabihin kay maxine dahil may problema na nga sya sa trabaho nya tapos dadagdagan ko pa.



AzaleaSerafina

-Pagod na ako pero kailangan kong kayanin para sa kinabukasan ko.

-Nakakapagod rin pero go lang ng go kase hindi nasuko ang tulad ko.

-Pagod na pagod na ako, gusto ko kayakap, gusto ko ng taong mapag sasabihan ng problema ko.

-Pagod na ako pero kaya pa naman, sana kayanin ko pa:)



Napapikit ako at napabuntong hiningang lumuluha habang hawak ang phone ko, "Akala ko ba hindi napapagod ang tulad mo? Bakit nang hihina ka ngayon?"tanong ko sa sarili ko habang naluluha.

Ang sakit ng katawan ko, ang sakit ng ulo ko, gusto ko ng mag give up pero hindi pa ako mayaman para mag give up at hindi pa ako engineer para mag give up kaya hindi pa pwede.





"Siguro kailangan ko muna ng ilang oras na pahinga, sana paggising ko ay wala na 'tong pagod na ito"iyak kong sabi nang may narinig akong nag alog ng gate namin, pinunasan ko ang luha ko at tumingin sa bintana.


Nakita ko na nandoon si sir bullet kaya namilog ang mata ko at napaawang ang labi ko sa gulat, agad akong bumaba at pinagbuksan sya ng gate.



"Huwag ka ng umiyak"sabi nya sabay yakap sa akin at namilog ang mata ko,



"Huh? Ano pong ginagawa mo dito sir bullet?"tanong ko habang ang yakap nya ay napakahigpit.




"Nakita ko yung tweet mo, ako ang magiging tagapakinig mo sa problema mo huh kaya huwag ka ng umiyak" sabi ni sir bullet at napalunok ako, gulat na gulat pa rin sa ginawa nya. Bumitaw ako sa yakap at nagsalubong ang kilay ko.



"Paano mo po nalaman ang twitter ko po?"tanong ko,


"Nakita ko sa bio ng instagram mo, i stalk it and saw your tweet 32 secs ago kaya nag drive ako papunta dito kahit hating gabi na"sabi nya, "To comfort you"




"P-pero sir bullet, bakit ka pa po nag abala? Kaya ko naman po"sabi ko at napabuntong hininga sya.

"Maski kaya mo o hindi kailangan mo ng karamay at taga- pakinig, i feel what you feel right now, pagod na pagod pero dahil sa iniisip mo ang kinabukasan mo at ng pamilya mo ay natatakot kang mag give up, dont worry nandito ako kung kailangan mo ng kayakap at taga pakinig sa problema mo"sabi nya, "We can fixed your problem"

"Sir huwag na po, huwag ka na pong mag sayang ng oras sa akin, umuwi ka na po at matulog dahil alam ko pong pagod ka na rin po"sabi ko.

"Azalea please, ayokong solohin mo ang problema mo dahil ang hirap ng mag isa, naranasan ko na rin iyan at sobra kayang hirap ng walang nakikinig sa mga problema mo, kaya nandito ako para tulungan ka"sabi nya at napaluha na ako, niyakap ko sya dahil kailangan ko na talaga ng kayakap, kailangan ko ng comfort at nagpapasalamat ako dahil binigay sya sa akin ni lord, ang taong magiging comfort ko.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now