52

1.8K 39 0
                                    

Umuwi na ako galing sa trabaho at pagbaba ko ng tricycle ay nakita ko si sir severino sa may gate namin, nakasuot sya ng hoodie at pants habang may dalang flowers.

"Uy hello po sir severino"bati ko at napalingon sya,

"Hey azalea, andyan ka pala, kanina ka pa ba dyan?"tanong nya sabay abot sa akin ng bulaklak, "Flowers for you"


"Kakarating ko lang po galing sa trabaho, ikaw po?"tanong ko.


"Uh wala atang tao sa bahay nyo kase kanina pa ako nakatayo dito at natawag pero walang nasagot"sabi ni sir severino at natawa ako, ang tawa na nahihiya.

"Wala po kaseng tao talaga dyan, si mama po nagbabayad po ng utang tapos si kuya naman ay nagtatrabaho po"sagot ko.


"Wrong timing ata ang punta ko dahil sa pagod ka galing sa trabaho mo, gusto mo magpahinga ka na muna at iadjust na lang natin ang date natin?"tanong nya,

"Ay huwag na po sir severino, nakakahiya dahil nag antay ka ng matagal dito tapos papauwiin lang kita, ituloy na po natin ang date natin hindi naman po ako pagod"sabi ko at napangiti sya.

"Sure ka ba? Baka mamaya ay mahilo ka at mahimatay ka dahil ang date natin ngayon ay festival date"sabi nya at namilog ang mata kong nakangiti,

"Festival date?! OMG real ba sir?"tanong kong nakangiti.

"Oo naman, bakit?"tanong nya at nagtatalon ako sa tuwa,

"Matagal ko na talagang gustong pumunta sa festival at sakto sir nagrant mo ang isa na nasa bucket list ko"sabi kong nakangiti at ngumisi sya, "Uh sir mag bibihis na po muna ako, pwede ka pong mag antay po dyan sa may sala namin"

"Uh okay na ako dito, mag bihis ka na, i will wait you"sabi nya at pumasok na ako sa loob. Nagsuot lang ako ng black shirt at ng square pants, paglabas ko ay nakita ko syang inaapproach ng mga marites sa amin, lumapit ako sa pwesto nila at napangiti.


"Uy boyfriend mo ba 'to lea? Diba iba yung kasama mo nung isang araw, nako makontento ka sa isang lalaki at huwag paiba iba"sabi nito.


"Apat po kaming manliligaw ni azalea kaya literal na iba iba po ang kasama nya, by schedule po ang panliligaw namin sa kanya kaya iba iba po ang kasama nya"sabi ni sir severino at napaawang ang labi ng marites.



"Ate tes kase next time huwag ka pong judgemental"sabi ko na may pekeng ngiti sabay sakay na sa ferrari ni sir severino at umandar na kami.



"Sorry po sir severino sa mga negative pong sinasabi ng mga marites po sa amin, lagi po iyong ganoon lalo na kay mama"sabi ko, "Nag titimpi lang po talaga ako dahil ayokong may kaaway kami sa street namin"


"No its fine, atleast nalinaw na sa kanya kung bakit iba iba ang kasama mo"sabi ni sir severino,



"Salamat po sir huh dahil ikaw po mismo ang nag explain sa kanya pero kung paulit ulit iyon sa mga negative po nyang sinasabi, pwede naman pong huwag mo na lang pong sagutin at huwag ka na po mag explain kase masasayang lang po ang oras mo sa katulad nilang hindi makuntento sa iisang explanation"sabi ko sabay buntong hininga, "Hindi ko nga po alam kung bakit may mga ganoong tao, hindi na lang maging masaya sa kung anong mayroon ka at dapat yung sarili na lang nilang business ang pinapakealam nila at hindi na ang buhay ng ibang tao"


Napunta na kami sa festival, nanood kami ng iba't ibang mga sayaw at costume ng mga tao dito, napalakpak kami ni sir severino,

"Ang e-effort gumawa, ang galing" palakpak ko sa mga costume nila, nasa bandang huli kami kaya nakatingkayad ako para matanaw ang mga costume,


The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now