14

5.4K 124 1
                                    

Kinuha ko na lang ang BBQ sa kanilang lahat para wala namang mag sungit sa akin, hindi ko man kaya na ubusin 'to lahat pero kailangan dahil baka mamaya ay sungitan ako ng isa sa kanila.

"Eatwell azalea"sabi ni sir severino na nakangisi kaya nginitian ko sya, tumakbo na sya sa cottage at kumuha pa ng juice.

"Here, para may panulak ka"sabi ni sir severino sabay abot ng bote ng juice at napangiti ako.

"She didn't need that, she needs water"sabi ni sir ashton sabay takbo papunta sa cottage at kuha ng bote ng tubig, ang dami ko na talagang bitbit tapos dinadagdagan pa nila.

"Here, baka magka-UTI ka pa pag ginawa mong panulak ang juice"sabi ni sir ashton at tinanggap kong nakangiti ang bote ng tubig.

"Uh mga sir? Pwede po bang ipunta ko na lang po ito sa cottage at doon kainin? Ang baboy ko naman po kase pag nilapag ko sa buhanginan ang lahat ng ito"sabi ko at napahinga sila.

"Sige tulungan na kita"sabay nilang alok habang sabay nilang hawak ang tupperware ng BBQ, napaawang ang labi ko nang makita kong unti na lang ay magkakainitan sila kaya inagaw ko na iyon sa kanila.

"Akin na nga po mga sir"sabi ko sabay hinga ng malalim, "Nagpaalam lang naman po ako hindi ko po sinabi na tulungan nyo po akong apat sa pagbubuhat ng mga ito, kaya ko na po ito"sabi ko sabay ngiti at lakad na ng dahan dahan papunta sa may cottage at doon ay inilapag ko ang pagkain. Kinuha ko muna ang tuwalya at ipinantapis sa katawan ko bago ko kainin ang BBQ.

Napatingin pa ako sa gilid ko at nakita ko silang pinapanood ako kaya natigil ako sa pagkain,

"May iuutos po ba kayo mga sir?"tanong ko pero hindi sila mga nasagot at nanatiling nakangiting nakatingin sa akin kaya napalunok akong pinunasan ang labi ko at iyon nga, ang kalat pala ng mukha ko, puro BBQ sauce. Nakakahiya.

Napatayo ako at humarap sa kanila, "Mga sir? May iuutos pa po ba kayo sa akin"tanong ko at napangiti si sir ashton.

"Wala naman, you are free to do anything"sabi nya, "Pagabi na rin at wala na kase kaming iuutos, bukas na lang ulit"

"Sinong may sabi na wala na kaming iuutos? Kung ang tatlo ay wala, ako mayroon"singit ni sir bullet sabay taas ng kaliwa nyang kilay.

"Bullet, she's tired already, pinagsilbihan nya tayo kaya hayaan mo na syang magpahinga na muna"sabi ni sir severino at tiningnan sya ng masama ni sir bullet.

"Hangga't hindi tayo natutulog ay hindi sya magpapahinga"sabi ni sir bullet sabay punta na nya sa may cottage, nag bukas sya ng beer at ininom nya yun kaagad nang nakatulala.

"Sorry lea, pagabi na tapos mag uutos pa sya"sabi ni sir grant at napangiti ako.

"Wala po iyon sir grant, trabaho ko naman po talaga na pag silbihan kayo, wala pong big deal doon"sabi kong nakangiti at pumunta na sila sa cottage, napahinga ako at kinuha ang tuwalya ko para magbanlaw na muna.

Pagtapos kong magbanlaw ay nagbihis na ako ng shirt na white at pants na grey, kinuha ko ang phone ko at nakita kong ang dami na palang missed call ni mama, napahinga ako at tinawagan ulit sya.

"Ma? Bakit po?"tanong ko.

"Nasaan ka ba anak? Pagabi na, wala ka pa rin dito"sabi ni mama.

"Uh mama sorry po hindi po ako nakapag paalam sayo kanina, may staycation po kase kami ng mga katrabaho ko, hindi ko pa po alam kung kailan po kami uuwi"sabi ko, "Update na lang po kita mama"

"Uh ganoon ba? Sige anak, ingat ka dyan huh"sabi ni mama at napangiti ako.

"Salamat po ma, kayo rin po, i love you po"sabi kong nakangiti at binaba na ang call na nakangiti.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now