40

3.3K 66 0
                                    

"Salamat po mga sir kase hindi nyo po ako minention"sabi ko habang nakain kami sa table namin.

"Ayaw naming mabash ka lalo na may mga toxic ng viewer sa social media" sabi ni sir grant.

"Hindi lang po ako ang maba-bash mga sir kundi kayo rin, nako alam ko na mga sasabihin ng mga iyan na ang cheap at ang baba ng standard nyo"sabi ko at natigil sila at nagtinginan.

"Anong ang baba ng standard?"

"E kase mahirap lang ako tapos pinag aagawan nyo ako"sabi ko,

"We have high standard and kasalanan ba naming ikaw ang pumasok sa standard namin, hindi porket mahirap ang nililigawan ay mababa na ang standard, hindi kase kami yung tipo ng tao na bumabase sa estado ng buhay kundi sa pinapakita ng tao sa amin kami nakakainlove, sa pagiging totoo nya sa sarili nya at pagiging simple" sabi ni sir bullet na parang nagagalit na kaya natawa ako,

"Chill ka lang sir, wala ka po sa korte" sabi ko.

"Seryoso ako azalea na kung may magsabi man no'n sayo ay wala na akong gagawin pa kundi ipagtanggol ka, hindi mo deserve na sabihan ng mga bagay na wala namang sense at wala namang point"sabi ni sir bullet at natigil kaming apat sa sinabi nya at napangiti naman ako.



Pagtapos naming kumain ay may nakanta na ng dancing queen sa unahan at si sir severino na ang nangunang sumayaw at sumunod naman ang dalawa dahil may nag aya sa kanya at kami na lang ni sir bullet ang natira,

"Salamat po sir bullet kung ipagtatanggol mo po ako sa mga basher"sabi kong nakangiti at ngumiti sya,

"That is my responsibility, kahit hindi mo ako piliin sa aming tatlo, patuloy pa rin kitang ipagtatanggol"sabi nyang nakangiti at napangiti ako, hindi mapigilan ang kilig na nararamdaman.

"Enebe"biro ko at nagtawanan kaming dalawa, may lumapit sa aming photographer at pinicturan kami, actually magkatapat lang kami ng upuan kaya mukhang nagdi-dinner kami together ang pwesto namin, habang pinapanood ko ang lahat na sumayaw ay nagulat ako nang hawakan ni sir bullet ang kamay ko, napatingin ako sa kamay nya at napakunot ang noo.

"Bakit po sir?"tanong ko at napangiti sya, napalunok at napakagat sa ibabang labi,

"Hindi lang ako makapaniwala na nakilala kita azalea"sabi nya at napangiti ako, "Ang saya ko na nakilala kita kase paano kung hindi ka pala dumating sa buhay ko, edi ang tigas tigas pa rin ng puso ko at hindi marunong magmahal as well as hindi marunong maawa"

"Happy rin ako sir bullet na nakilala ko kayong apat, kayo ang nagbigay sa akin ng princess treatment na hindi ko naranasan sa ibang tao o sa ibang boss, kayo yung akala ko sisira ng buhay ko pero nagkamali ako, kayo ang bumuo ng buhay ko"sabi ko, "You all are my friends, boss and also my family, kayong apat ang parte na ng buhay ko. Nagulat pa nga ako na nagustuhan nyo ako, and in that way, nawala yung insecurity ko, nagkaroon ako ng confidence na kahit ganito ako ay may matino pang tao ang nagmahal at nagkagusto sa katulad ko, napaisip ako na napaka swerte ko naman kase marami mang taong kinasusuklaman ako, mayroon namang taong na- appreciate kung ano ako o kung ano ang pakinabang ko sa mundong ito"sabi kong nakangiti at naluluha, pinunasan ni sir bullet ang luha ko gamit ang thumb nya at napangiti sya.

"Sa kabila man ng mga galit sa iyo ng mga tao, tandaan mo na special ka sa mundong ito kahit marami mang taong patuloy kang ibinababa"sabi ni sir bullet at tumango akong nakangiti.

Maya maya pa ay nakisaya na kami ni sir bullet, nakisayaw kami sa mga tao dito at naki join naman ang tatlo.

"Let's enjoy the night guys!"sigaw ni sir severino sabay kuha ng phone nya at itinapat nya iyon sa amin, "Smile!"

The Beauty And The BoysWo Geschichten leben. Entdecke jetzt