58

1.5K 38 0
                                    

Paggising ni lola at ni mama ay kumain na kami nang sabay sabay, nag kwentuhan at ang main na nagpapatawa kay lola ay si sir severino, tuwang tuwa sya lagi kay sir severino.

Pagtapos kumain ay niligpit ni sir ashton ang mga kinainan namin, si severino naman ang taga punas ng mesa at taga ayos ng dining, si sir grant naman ay taga alalay kay mama at kay lola sa pagtayo papunta sa sala at si sir bullet naman ang taga hugas. Inaako ko ang gawain nila pero tumanggi sila.

Pinapanood ko ang paglilinis nila sa dining habang nakaupo kami ni lola sa may sala nang hawakan nya ang kamay ko,

"Ang swerte mo apo dahil nakahanap ka ng maalagang mga manliligaw at ang manliligaw na paghihirapan talaga bago ka makuha sa amin"sabi ni lola at napangiti ako,

"Kaya nga po lola, hindi ko ma-explain pero ang saya saya ko at feeling ko ako na ang pinakamaswerteng babae dahil meron akong katulad nilang apat na gagawin ang lahat para sayo"sabi kong nakangiti at hinimas ni lola ang likod ko,

"Basta kung handa ka na apo, pwede ka ng pumili sa kanila pero in a good way para hindi sila masaktan o ma-offend" sabi ni lola at napabuntong hininga ako,

"Ayan po ang phase na kinakabahan ako dahil baka masaktan ko sila nang wala sa intention ko, hindi ko po alam kung paanong way pero sana kung dumating ang time na iyon, sana ay handa na ako at hindi na ako kinakabahan"sabi kong nakangiti at hinalikan ako ni lola sa may noo.

Maya maya pa ay sinamahan kami ni lola papunta sa mga kaanak namin,

"Aba lola grace, sino po ang mga poging iyan?"tanong ni tita, "mga ang yayaman tingnan, ang babango pa tingnan"

"Nako literal na mabango ang mga 'to, nag amoy mamahalin ang bahay ko nang dahil sa mga 'to"sabi ni lola at napakamot ang apat sa kanilang ulo.

"Sino ba iyang mga binatang iyan lola?"tanong ni tita,

"Manliligaw ni azalea"sabi ni lola at nagmano ang apat sa tita ko, napalakpak ang tita ko at parang paiyak na.

"Aba literal ng dalaga ang pamangkin ko"sabi nito sabay yakap sa akin, "baka mamaya pag balik mo dito ay boyfriend mo na ang isa sa mga iyan, ang bilis ng panahon lola grace"

"Hindi nga ako makapaniwala na dalaga na ang apo ko, hindi ko alam kung ano talaga ang mararamdaman ko kung magboyfriend na sya ng isa sa apat na ito"sabi ni lola at napangiti akong napabuntong hininga,

"Ano ba naman po kayo tita at lola, kahit naman mag boyfriend ako ay forever baby nyo pa rin ako at forever pa rin po akong maglalambing sa inyo" sabi ko sabay yakap sa kanila.

"Ang sweet mo naman sa parents mo" sabi ni sir bullet habang naglalakad kami dito sa may farm ni lola para mag bunot ng prutas.

"Ganoon po talaga ako pinalaki ni mama na maging sweet sa lahat, especially sa pamilya ko"sabi ko, "wala naman pong masamang maging sweet, huwag lang sa may jowa na"sabi ko at natawa sya,

"May point ka naman dyan, azalea"sabi nya sabay yuko nang may makitang strawberry, "nandito yung favorite fruit mo oh, wait kuha lang ako"sabi nya at nagpitas sya ng isang strawberry sabay tayo at sinubo nya iyon sa akin.

"Hindi mo naman na po kailangan akong subuan"sabi kong natatawa habang nginunguya ang strawberry at napangiti sya,

"Para hindi na lumagkit at madumihan ang kamay mo,"sabi nya, "gusto mo pa ba?"tanong nya at tumango ako, yumuko na rin ako para magpitas at nang makapagpitas na ako ay kinuha ko ang isa sabay subo kay sir bullet.

"Ahh"sabi ko habang sinusubo kay sir bullet ang strawberry at napangiti sya, "tamis ba sir?"

"Yes, kasing tamis ng ngiti mo"sabi nyang nakangiti at natawa ako.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now