78

1K 28 0
                                    

Nakapikit pa ang mata ko ay grabe na ang sigaw ni maxine mula sa labas ng kwarto ko hanggang sa pagpasok nya dito, napamulat ako at napabuntong hiningang umupo.

"Bakit? May emergency ba?"tanong ko.

"Wala teh, tingnan mo lang 'to"sabi nya sabay abot sa akin ng phone nya at nakita ko na candid picture iyon ng apat na nakaupo sa may BGC.

"Anong meron naman dito?"tanong ko,

"Alam mo bang trending iyang apat na iyan sa pagiging mukhang sad boy ng taon at pagiging expensive with those t-shirt and short lang"sabi nya at napakunot ang noo ko,

"Then? Lagi naman silang trending sa internet, patulugin mo ako"sabi ko at babalik ng tulog nang higitin nya ako paupo ulit,

"Teh, kita mo namang sadboy ang apat mong manliligaw, aba puntahan mo na para naman bumalik ang saya nila" sabi ni maxine at napabuntong hininga ako, "ikaw kaya ang dahilan kung bakit ang lungkot ng apat na iyan, puntahan mo na sa condo nila para hindi na malungkot iyang apat na iyan"

"Oo na pero ang aga aga teh para puntahan ko sila, maya maya naman" sabi ko, "tutulog muna ako, hayop ka akala ko emergency teh, tulog na muna ako"sabi ko at natawa sya.

Maya maya pa paggising ko ulit ay tiningnan ko sa phone ko ang trending nilang candid picture na kinuha kahapon, mga naka-tshirt lang ang apat at short, kay sir bullet ay white shirt and black short, maroon shirt at cream short naman kay sir ashton, blue shirt and white short kay sir grant at black shirt and blue short kay sir severino, mga mukhang expensive tingnan kahit simple lang ng mga suot.

Nagkakape lang sila, pagtingin ko naman sa mga comment section ay sinasabihan sila ng sad boy ng taon dahil sa porma ng mga mata nila.

"Baka ako ang dahilan"bulong ko, ayokong mag assume pero dahil sa instagram story nila na may namimiss sila, inaassume ko na ako iyon dahil ako lang naman ang nililigawan nila pero hindi ako sure kay sir severino.

Bahala na nga, kung hindi man ako iyong namimiss nila pupuntahan ko pa rin sila, ayos naman na ako at sobra sobra na nga ako sa pahinga kaya magpapakita na ako sa kanila ng kusa.

Nag suot lang ako ng simpleng damit, hindi ako nagmake up o kung ano dahil pag natagalan ako ay baka maabutan pa ako ng mahigpit na traffic papunta sa condo ng apat.

Bago pa ako pumunta sa condo nila ay binilhan ko sila ng pasalubong para sa kanila, binilhan ko sila ng favorite foods nila, mga prutas na lagi nilang kinakain at tig iisang maliliit na bear. Kay sir ashton ay monkey, kay sir grant ay palaka, kay sir severino ay rabbit at kay sir bullet ay pusa. Ayun ang binili ko para sa kanila dahil naalala ko sila pag nakikita ko ang animal na iyon, hindi dahil sa hitsura ng animal kundi sa personality.

Monkey kay sir ashton dahil sa matalino at makulit na sir, kay sir grant naman kaya palaka is because he is relaxed and cowardly person, yung tipong hindi agad makalaban dahil sa nahihiya sya o ayaw nyang makabasag pinggan, kay sir severino naman kaya rabbit is dahil sa makulit, parang batang laging sinasaway. Kaya naman kay sir bullet ay pusa ay dahil sa kahit moody ay cute pa rin.

Pagtapos kong bumili ng mga pasalubong para sa kanila ay sumakay na ako ng jeep at pagbaba ko ng jeep ay bumungad sa akin ang building kung saan nakatira ang apat, napabuntong hininga ako bago ako nakangiting pumasok doon.

"Miss nyo na pala ako huh, ako na ang gagawa ng way para magkasama sama ulit tayong lima"bulong kong sabi sabay katok sa pinto nila.

Maya maya pa ay binuksan iyon ni sir severino napangiti ako habang sya ay may muta pa at hindi pa ako namumukhaan, nung mamukhaan nya ako ay napaawang ang labi nya.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now