44

2.5K 51 0
                                    

"Ano namang klaseng date ang gagawin natin ngayon sir severino?"tanong ko sa kanya habang nag dadrive kami, naka simpleng plain shirt lang sya na khaki at naka white na short.

"Strawberry picking in baguio"sagot nya at nambilog ang mata ko,

"Sa baguio?! Talaga sir?"masaya kong tanong at tumango syang nakangiti,

"Yeah, bakit? Ayaw mo ba?"tanong nya at napabuntong hininga ako at inayos ang sarili dahil nagmukhang ignorante.

"Gusto sir, lalo yung strawberry nila doon, bata pa po ako nung huling punta ko po doon, ano na kaya hitsura ng baguio ngayon?"tanong ko pa sa sarili ko.

"Maganda pa rin, doon ako napunta pag mainit dito sa manila para magpahangin doon, mag ikot at mag strawberry picking"sabi nya at napatango ako na deep inside ay excited na excited. "Pag ako kasama mo, more on kain tayo sa kung saan saan na may kasamang activities na nakaka enjoy"

"Salamat sir huh dahil dadalhin mo po ako sa baguio, miss na miss ko na talaga iyon"sabi ko at napangiti sya.

"Kung saan mo gusto, doon kita dadalhin"sabi nyang nakangiti.

Nang makapunta na kami dito sa may baguio ay agad akong nakaramdam ng lamig, naka manipis na shirt lang ako kaya ramdam ko ang napakalamig na klima dito nang abutan ako ni sir severino nang jacket.

"Here, you must wear this para hindi ka lamigin"sabi nya at sinuot ko na ang jacket, naglakad kami papunta sa farm at may kinausap sya dito na matanda bago ako ayain sa loob.

"Welcome to the veneracion farm"sabi nya at napaawang ang labi ko sa malawak na farm ng strawberry.

"Sa inyo po 'tong farm sir sev?"tanong ko na gulat na gulat dahil sa namamangha at napatango sya,

"Pinamana sa akin ng parents ko kaya sa akin na lang ito, wala na akong kahati dito pero kung sagutin mo ako at maging tayo, ipapangalan ko rin itong farm sayo bilang katuwang ko dito" sabi nya.

"Dito po kami nag strawberry picking noon ng tita ko nung bata pa ako, yung huling punta po namin dito sir severino. Sayo pala 'to"sabi ko at napangiti sya.

"I think we are destined to each other, akalain mo yun, yung may ari ng pinuntahan mo ng strawberry ay manliligaw mo na ngayon"sabi nyang nakangisi at napangiwi ako.

"Tara na nga sir"sabi ko at narinig ko syang natawa.

Nag suot kami ng gloves, mask at bota at kumuha ng basket, nag ikot ikot kami sa farm at takam na takam ako sa malalaking bunga ng strawberry. Nagsimula na kami, binunot ko ang mga malalaking strawberry, si sir severino naman ay nakita kong pinipicturan ako kaya nag pose ako nang hawak ang strawberry.


"Azalea with strawberry"tawa nyang sabi kaya napa ismid ako, nag bunot lang kami ng strawberry. Inaalalayan nya ako pag may putik kaming madadaanan.

Habang nag bubunot ako ng strawberry ay pinipicturan ako at vinivideohan ako ni sir severino, habang paulit ulit naming ginagawa iyon ay may lumapit sa aming matandang babae.

Natigil kami sa ginagawa namin at nag mano sa matanda, "Hello po 'nay"bati naming sabay ni sir severino pagtapos magmano at napangiti ang matanda.

"Kayo ba'y mag asawa?"tanong nito at natawa kaming dalawa ni sir severino at nag ayos na rin pagtapos no'n para sagutin ang tanong ng matanda.

"Hindi po, mag boss po kami"sabi ko at parang nalungkot ang matanda.

"Nililigawan ko po sya lola"sabi naman ni sir severino.

"Sayang naman kung hindi kayo, ang sweet nyo kaya at kanina ko pa kayo pinagmamasdan sa malayo, ang sweet nyo at ang cute nyo, naalala ko tuloy ang asawa ko nung nandito kami sa may farm na ito, nag bubunot rin kami ng strawberry at ganyan kami ka- sweet"sabi ni lola at napangiti ako.

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now