81

1.1K 20 0
                                    

Pagtapos kumain ay kay sir ashton naman na ako sumakay para naman habang nagda-drive ay may kakwentuhan ako.

"Did you enjoy the night?"tanong ni sir ashton habang nagda-drive at napangiti akong nakatingin sa kanya.

"Sobra po sir, naginhawaan po talaga ako"sabi kong nakangiti, "nawala po yung stress ko, nakatulong po iyon para makalimutan ko yung problema ko"

"Kung iyon ang naging resulta ng lakad natin, araw araw kitang ipapasyal sa mga ganitong lugar"sabi ni sir ashton, "pareho talaga tayong dalawa, nawawala ang stress pagpumupunta sa mga ganitong lugar, nako paano kaya pag naging tayo? Pag stress tayo lagi lang tayong pupunta sa mga ganitong lugar, magraramayan sa isa't isa, nako napakasaya no'n"

Natigilan ako at napangiti sa kanya. Iniisip ko tuloy ngayon kung isa man sa kanila ang sagutin ko, anong klase ba silang boyfriend? Nako ang sarap imagine-in.

What if si sir severino ang sagutin ko? Ano kayang klase syang boyfriend?

Siguro sya yung tipo ng boyfriend na lagi kang patatawanin, always na may gift sayo at lagi kang aasarin. Parang araw araw iikot ang life namin in that situation.

Sir severino ay ang tipo rin na boyfriend na wild and aggressive, sya rin ang laging mang aasar sa mga anak namin pag nagkaroon man kami. Pag kinasal naman ako baka ma-out of place ako beh dahil sobrang friendly nya, baka sarili kong kasal ako ang ma-out of place, baka rin marami syang ex na tumutol sa kasal namin dahil mostly sa mga ex nya ay patay na patay pa rin sa kanya.

Kay sir grant naman, mabait si sir grant, sobrang bait kaya pag naging kami siguro baka naman mamaya ay mahiya na akong kausapin sya dahil sa tahimik lang sya, baka manginginig pa ang kamay ko pag kukulbitin sya dahil sa takot na kausapin sya o baka mamaya badtrip, hindi ko malalaman kung badtrip ba sya o hindi dahil wala naman syang pinapakitang reaksyon o kung ano dahil sa sobrang tahimik nya.

Pag kinasal naman kami baka nasa tabi lang sya, nahihiyang lumapit sa mga bisita dahil sa sobra syang nahihiya. Isa pa pag naging kami kailangan ko laging mag isip ng linyahan para masakyan ang jokes nya na hindi ko nagegets minsan, swerte naman ako pag naging boyfriend ko sya dahil na sakanya na lahat ng love language pero kase may instance kase na baka pag nag away kami ay ako lang ang bungangera habang sya ay nakatulala lang at tahimik sa tabi.

Pag nagkaroon naman kami ng anak baka naman oo lang sya ng oo sa mga bibilhin ng anak namin, ayoko kase ng taong oo lang ng oo sa anak, gusto ko yung taong praktikal sa isang bagay like pag hindi naman kailangan huwag ng bilhin dahil part iyon ng pag aaksaya ng pera.

Pag si sir bullet naman ang pinili ko nako alam ko na ang hahantungan, lagi lang kaming mag aaway sa bahay, laging mainit ang ulo nyan panigurado nako hindi ako naniniwala na hindi nyan ako laging papagalitan. Sya naman ang tipo na boyfriend na lagi kang papagalitan, gagawin akong anak nyan at lagi lang maiistress sa akin kase nga opposite kami, yung ayaw nya ay gusto ko kaya paniguradong pagtatalo na naman ang magaganap sa amin.

Sya yung tipo ng boyfriend na strict, nararamdaman ko na pag pinili ko sya lahat ng bagay ay dapat maayos at hindi magulo, spoiled 'tong lalaking 'to kaya hindi ako makakasiguro na hindi nya ako aawayin, isa pa pag sya sinagot ko baka mawalan sya ng time sa akin dahil sa lagi syang busy sa trabaho nya bilang lawyer, baka rin mamaya ay bawat pagkakamali naming masabi sa isa't isa ay mauwi lang sa away.

Marami rin 'tong utos at ramdam ko iyon, sya ang tipo ng boyfriend na bossy masyado, lagi kang sesermunan pagnagkamali ka kaya pag heto naging boyfriend ko? Siguradong stress na stress ako.

Pag kinasal naman kami nako bongga iyon, hetong taong ito sa kanilang apat heto ang gastador, maiistress lang ako sa malaking gastos nya, hindi ko naman pera iyon pero kase nakaka stress na makakita ng taong gastos ng gastos sa hindi naman kailangan, natatakot rin ako na baka sungitan nya lang ang mga bisita namin at hindi makipag interact, sya pa naman ang tipo ng tao na laging nakatango lang sa mga bisita.


The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now