20

4.8K 119 0
                                    

"Good morning po mga sir"nakangiti kong bati sa tatlo nang pinagbuksan nila ako ng pinto ng condo nila.

"Kamusta ka naman?"tanong ni sir grant sabay kuha ng dala kong bag, napatingin ako sa likod nila sabay buntong hininga.

"Sir? Nasaan po si sir bullet? Okay na po ba sya?"tanong ko at napahinga silang tumango.

"Maayos naman na sya, may goodnews ata na natanggap kaya masaya ngayon" sabi ni sir severino.


"Pwede po bang makausap ko sya?"tanong ko at binigyan nila ako ng space papasok sa condo nila sabay tango nilang sabay kaya ngumiti ako at pumasok.

Napahinga pa ako bago ako kumatok sa pinto ng kwarto ni sir bullet, pag bukas nya ay napangiti akong napalunok.

"Hi po sir, good morning po"sabi ko at walang reaksyon syang tumingin sa akin at napabuntong hininga.

"Bakit ka pa pumasok?"tanong nya at nawala ang ngiti ko,

"Mag tatrabaho po ako sir e"sabi ko at napatingin sya sa likod ko, napalingon ako doon at nakita ang tatlo na nakikichismis, bumalik ang tingin ko sa kanya sabay ngiti. "Sir? Hindi mo naman ako tatanggalin diba nang dahil sa nangyaring away between us, diba?"


"I don't want to talk to you right now, yung tatlo na ang bahala na mag explain sayo"sabi ni sir bullet at papasok na nang iharang ko ang kamay ko sa pinto para hindi nya maisara ito, natigil syang nakatingin doon nang walang reaksyon.


"Alisin mo ang kamay mo at baka maipit ka"sabi nya,


"Hindi ko po ito aalisin hangga't hindi mo po ako pinapakinggan sa gusto kong sabihin sayo"sabi ko kaya napalabas sya sa kwarto nya at nakakrus ang braso na kumunot ang noo.


"Then go"sabi nya at napahinga ako.

"Sorry po sir dahil sinagot po kita kahapon, alam kong mali ang ginawa ko kaya nandito po ako para mag sorry sa ginawa ko po. Masyado lang po akong nadala ng emosyon ko kaya ko po nagawang pantayan po ang init ng ulo mo po"sabi kong pinipigilan ang hingal at luha, ganito ako lagi na pag nag aapologize ay naluluha dahil sumasama ang kaba at ang konsensya.


"Iyon lang?"tanong nya sabay buntong hininga, "Sinayang mo lang ang 45 seconds ko para lang sabihin iyang common na dahilan ng mga tao pag nag sosorry at nagkakamali"sabi nya at papasok na sya nang hawakan ko sya sa wrist, natigil sya at napatingin sa kamay kong nakahawak sa wrist nya.


"Sorry po sir bullet"sabi ko, "Alam ko po na sobrang common ng dahilan ko kase iyon naman po ang totoo, matigok man ako right now, ganoon naman po talaga ang nangyari at naramdaman ko that time"sabi ko sabay taas ng dala kong box. "Heto po sir, buko pie from laguna, binili ko pa po 'to sa laguna para sayo po at para mapawi po ang galit mo po sa akin kahit papaano"


Napatingin sya doon at narinig ko ang tatlo na nag sipasukan sa kanya kanya nilang kwarto pero hindi ko na iyon pinansin at pinagpatuloy ang pakikipag- usap kay sir bullet, sinusuyo ko sya na huwag nya akong tanggalin sa trabaho dahil baka pag nangyari iyon ay mas lalo pa akong mabaon sa utang ko sa kanila dahil sa walang bakante ngayon na trabaho.

"Hindi ako naniniwala na sa laguna mo iyan binili at isa pa baka may lason pa iyan"sabi nya at may pinakita ako sa kanya na video ko sa phone na nag travel pa ng malayo para maibili lang ang gusto nya, natigilan sya at napaharap para makita nga ang video.

"Ayan na po sir ang ebidensya para hindi ka na magkaroon ng trust issue sa akin"sabi kong nakangiti at pagtapos nyang mapanood ang video ay tinanggap nya ang buko pie sabay buntong hininga.

The Beauty And The BoysDove le storie prendono vita. Scoprilo ora