98

1.9K 39 5
                                    

"Ayoko, azalea naman"sabi nya, "kaya ko namang labanan si janice para lang hindi nya kayo galawin ng pamilya mo, huwag mo lang akong busted-in"


Niyakap nya ako mula sa likod habang ako naluha, napabuntong hininga akong pinunasan iyon,

"Hindi ba ako ang pinipili mo kaya ka ganyan?"tanong nya, "sabihin mo lang para hindi na ako umasa na may pag asa pa ako sayo, para hindi na ako umasa na magiging tayo pa"



"Ayon na nga ang problema, ikaw ang pinipili ng puso ko pero kase sinasabi ng utak ko na huwag ko ng ituloy dahil sa may nagmamahal sayong iba, given na yung mahal mo ko pero ramdam ko kase na sisirain ako ng ex mo pati ang pamilya ko sisirain nya dahil obsessed sya na bumalik sayo"pagkasabi ko no'n ay narinig kong may bumukas ng pinto.

Nakita ko ang apat at napangiting parang may sakit na nararamdaman.

"Si bullet ang pinipili mo?"tanong ni sir severino sabay tingin kay sir bullet na ngayo'y naluluha at hindi makapag salita.

"Congrats bro"sabi ni sir ashton at na namumula ang mata na tila iiyak na habang si sir grant ay tahimik lang na nakangiting may luhang pumapatak,


"I guess eto yung katapusan na ng araw na manliligaw kami sayo azalea dahil sa may pinili ka na, salamat dahil hindi mo na pinatagal para hindi na kami masaktan tatlo, i am glad na nakita mo na talaga ang para sayo"sabi ni sir severino na naluluha, "nakakalungkot naman at ang sakit naman na sa unexpected pang time namin malalaman na si bullet ang pinipili mo"




Lumapit ako sa kanya at napabuntong hininga,



"Sorry po mga sir"sabi kong nayuko at naluluha,




"Ayos lang, sanay naman kami sa masasakit na consequences e"sabi ni sir grant,




"Bakit ba kase hindi ako? Bakit wala sa aming tatlo ang pinili mo? Bakit?" sunod sunod na tanong ni sir severino habang naluluha at napabuntong hininga ako,





"Sorry po mga sir pero po kase kaibigan lang po ang tingin ko po sa inyo" pagluha ko sabay tingala at tingin kay sir severino.


"Sir seve. Salamat sa lahat ng mga pagpapahalaga at pagmamahal na ipinapakita mo sa akin. Napakabuti mo at napakaswerte ko na may isang tao tulad mo na nagpapakita ng interes at pagmamahal sa akin. Ngunit sa ngayon, nais kong malinaw na ipahayag na mas gusto ko tayong manatiling magkaibigan. Masaya ako sa pagkakaibigan natin at ayokong mawala iyon dahil sa mga romantikong relasyon. Gusto kong ma-maintain ang magandang samahan natin at hindi ko nais na magkaroon ng anumang tensyon o hindi pagkakaintindihan dahil sa mga romantic feelings. Sana maintindihan mo ang desisyon ko at magpatuloy tayo sa pagiging magkaibigan nang walang anumang awkwardness o kahit anong pag-aalinlangan."sabi ko, "nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng katulad mo sir seve na talagang masasabi kong ka-vibes, ka-humor ko at kabardagulan ko, nagpapasalamat ako dahil ikaw ang manliligaw na nagpakita sa akin ng kasiyahan, ng ka- jamming na manliligaw, salamat dahil ikaw ang lalaking na kauna- unahang nagpakita sa akin ng pagmamahal, salamat po dahil sa ikaw po ang klase ng tao na talagang nagbago para sa akin"



Naluha sya at napapikit para ilabas ang luha, "salamat azalea, because you gave and you fulfill what i want to achieve, thank you for being my happiness and kung may problema ka, nandito pa rin ako sa tabi mo  patuloy kitang kakausapin at handa akong maging taga pakinig mo, mahal na mahal kita azalea"

Pagkasabi nya no'n ay niyakap nya ako at umalis ng nahagulgol, napabuntong hininga ako at napatingin naman kay sir grant,


"Sir grant, alam kong napakabuti mo at hindi ko maipagkakaila na may mga katangian ka na talagang hinahanap ng maraming tao. Ngunit sa ngayon, hindi ko maramdaman na ang nararamdaman ko ay katulad ng nararamdaman mo, sorry. Hindi ko gusto na magkaroon tayo ng isang romantic relationship na hindi ko tunay na nararamdaman in short ayokong paasahin ka. Ayoko ring magkasama tayo nang hindi ko maibigay ang buong puso ko. Gusto kong manatili tayong magkaibigan at magpatuloy sa mga masasayang alaalang nabuo natin. Sana maintindihan mo ang desisyon ko at huwag magbago ang samahan nating dalawa."sabi ko at napayuko syang natulo ang luha,




The Beauty And The BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon