30

4K 89 2
                                    

Bumaba na ako para mag almusal na pero walang tao sa ibaba kaya nag taka ako at natanaw ko sila sa labas, kinuskos ko pa ang dalawa kong mata at nambilog ang mata ko nang makita si sir severino na nasa gate namin.

"Gago, si sir severino ba yun?"tanong ko sabay lapit doon, may hawak na bouquet at box ng ribbon cake kaya napaawang ang labi ko.

"Oh gising na pala yung anak ko" sabi ni mama sabay lapit sa akin para alalayan ako papunta sa gate, ngumiti si severino at nakita ko naman ang mukha ni kuya na nakangiwi.

"Baka mamaya makahanap ka lang ng 6ft na babae ay ipagpalit mo na ang 5'1 kong kapatid"sabi kuya.

"Grabe naman 'to sa 5'1, ututan kita dyan"sabi ko at natawa ito, humarap ako kay sir severino at nagsalubong ang kilay, "Bakit ka po nandito sir?"

"Gusto ko lang humingi ng permission sa mother mo if pwede ba kitang ligawan"sabi nito at si maxine naman ay todo tili sa tabi, ewan ko ba sa mga 'to, parang nakakita ng aldub kung makatili.

"Pwede naman basta huwag mo lang lolokohin ang anak ko"sabi ni mama at napangisi si sir severino,

"Dyan kami may trust issue sa ngisi"sabi ni kuya kaya nagsalubong ang kilay ko sa kanya.

"Can i take you on a date?"tanong ni sir severino sabay lahad ng kamay nya hanggang sa may dumating na isa pang kotse, bumaba ito ng dahan dahan at si sir grant iyon. Naka shades, polo na white at short na black.

"Oh! Yung pato ko!"sigaw ni mama at napakunot ang noo ko.

"What are you doing here grant?" tanong ni sir severino.

"Gusto ko lang tanungin si tita kung pwede ko bang ligawan ang anak nya" sabi ni sir grant sabay tingin kay mama na ngayo'y nakangiti.

"Aba oo naman"sabi ni mama.

"Wait lang po"sabi ni sir grant sabay punta sa kotse at kuha ng maraming paperbags, dalawang bouqet and isang box na maliit, "Here, for you"

"Hindi mo naman na po kailangan sir grant na bigyan ako ng ganito kadaming gifts"sabi ko, "Sobra sobra na po ito"

"Para sayo ay walang sobra"sabi nya at napangiti ako,

"Ako ang nauna dito grant, umuwi ka na muna dahil sa akin sya sasama" sabi ni sir severino,

"Sa akin sya sasama dahil mas komfortable sya pag kasama ako"sabi ni sir grant at dahil nagkakainitan sila ay pumagitna ako.

"Tumigil kayo huh, wala akong sasamahan ngayon kase mag tatrabaho pa ako kay sir ashton, susunod na araw na lang mga sir. Salamat po sa mga gifts nyo pero hindi na muna po ako makikipag date sa isa sa inyo"sabi ko sabay pasok na sa loob ng bahay para mag prepare na.

Mas mahalaga pa rin ang trabaho kaya hindi ko na muna iyon babalewalain keysa sa date na inaalok nila na pwede namang susunod na lang.

"Bakit hindi ka naman nakipag date sa isa sa kanila, nag effort kaya silang bilhan ka ng mga mamahaling regalo tapos papauwiin mo lang sila"sabi ni maxine habang nag susuklay na ako ng buhok at handa ng pumunta sa trabaho.

"May trabaho pa kase ako maxine kay sir ashton, pag time na nila edi saka nila ako i-date"sabi ko at napangiti sya na parang may nalaman kaya kumunot ang noo ko.

"Si ashton pala kase ang mag uutos sayo kaya pala tumanggi ka sa dalawa" sabi ni maxine at napangiti ako, "Ikaw huh bias ka beh!"

"Hindi ah, baka kase hanapin ako no'n kaya kailangan kong pumasok at tumanggi muna sa dalawa"sabi ko at inalog alog nya ako.

"Baka naman mamaya ay umamin rin iyon sayo"sabi nya at napaismid ako.

"Gaga! Impossible!"sabi ko pero deep inside ay nag aassume ako, malay mo naman diba?

The Beauty And The BoysWhere stories live. Discover now